Yanna Nanatili pa ng 3 araw ang mga magulang ko sa New York pagkatapos ng kasal namin saka umuwi. Sina Gabe naman ay umuwi rin ng Toronto pagkatapos ng kasal namin at mag-aayos pa sila ng mga dadalhin pauwi. Binigay nya sa akin ang spare key. Dito muna kami pansamantalang tumigil sa bahay ng mga magulang ni Leo. May binili si Leo na bahay para sa amin pero hindi pa tapos, finishing touches na lang at malilipatan na. Maayos ang naging pagtanggap sa akin ng mga byenan ko kaya komportable din ako dito sa pamamahay nila. Sinamahan ako ni Leo sa kaibigan nyang OB-Gyne, si Dr. Jill Walker, babae. Malapit sa pangalan ng chichirya. Napatawa ako. Naalala ko si Jillian. Confirmed, buntis nga ako. Noong balikan ko ang araw na nabuo ang anak namin, yun ang gabi ng kasal nina Gabe. It brought sm

