Johannes What the hell is he doing here? Colton! Nagulat ako nang abutan ko siyang pasakay na ng kanyang sasakyan. Kabababa ko pa lang ng kotseng dala ko na pagmamay-ari ni Cedric, na ibinigay na niya sa akin. Nadaanan pa ako ng kotse ni Colton at nakangisi pa siya sa akin habang siya ay papalayo na. Hahabulin ko sana siya pero nakita ko si Nancy na palabas na ng restaurant dala ang kanyang bag. Bakit ang aga niya yatang umuwi ngayon? Mahigit dalawang oras pa lang akong nakakaalis. Bumalik agad ako para bantayan siya magdamag. Gabi-gabi ko siyang binabantayan mula dito sa labas ng resto nang hindi niya nalalaman. Gusto ko siyang panoorin sa lahat nang mga ginagawa niya. Gusto kong makasama siya araw-araw, kahit sa malayo ko lang siya napagmamasdan. At gusto kong maging safe siya kap