TULALA si Louie, habang nakatanaw sa labas ng dingding na yari sa salamin. Kahit napakaganda ng lugar sa ibaba, hindi niya ito pansin dahil sa kanyang ina. Simula nang iwan siya ng kanyang nanay sa bahay-ampunan, hindi na niya inaasahan o iniisip na darating ang araw na magpakita muli ito sa kanya. Kahit nakaramdam siya ng awa dahil sa nakita niyang kalagayan nito, ngunit galit pa rin ang naghari sa kanyang puso. Parang hindi niya kayang patawarin ang kanyang ina. Lalo na ay bumalik ang kanyang isipan sa nakaraan. Sa murang edad ni Louie, masaya na siyang makapamasyal sa loob ng mall o sa mga parke kahit hindi kayang ibigay ng kanyang ina ang lahat ng kanyang pangangailangan. Naging matured din agad ang kanyang pag-iisip dahil sa kanilang pinagdadaanan. Wala ng ama si Louie. Nang magpaala