HINDI lang naman kay Louie may iniwan na sulat si Mikaela. Maski sa kanyang magulang pati na rin sa kanyang mga kaibigan. Nang makabalik sila muli sa bahay nina Mikaela, inabot ito ni Cecilia sa kanila. Binasa nila ito kaagad. Mahal kong magulang, Ma, Dad, patawarin po ninyo ako sa desisyon na ginawa ko. Ang umalis sa inyong poder. Hindi ko gustong iwan ko kayo, pero ayokong sa araw-araw na magkasama tayo ay nakikita ko kayong nasasaktan at nahihirapan. Alam ko pong maiintindihan ninyo ako. Huwag po kayong mag-alala sa akin. Ang pupuntahan kong lugar ay alam kong aalagaan nila ako. Ma, pasensya ka na kung iiwan ko ang anak ko sa ‘yo. Isipin niyo na lang po na ako ang anak ko. Sana po ay palakihin niyo siya katulad ng pagpapalaki niyo po sa akin. Na kahit kailan ay hindi niyo ako pinabay