Ilang segundo akong hindi nakahuma dahil sa narinig ko. Seryoso si Bjorn habang nakatitig sa akin, malamlam ang kaniyang mga mata habang ang magkabilang gilid ng labi ay bahagyang nakaangat. Gusto niya ako? Namula ang pisngi ko. Nakaramdam din ako ng pag-alangan lalo na at natitiyak kong madami ang nakarinig sa sinabi niya, sa lakas ba naman ng pagkakabigkas niya. At, narinig din iyon ni Jetro. Bakit na naman napasok si Jetro sa isipan ko? Sa lahat na lang ng bagay pilit sumisingit ang pangalan niya. Napalunok ako bago nagsalita. "G-Gusto agad?" utal kong tanong sa sinabi niya kanina. Tumango siya. "Baka akala mo lang 'yon," sagot ko. May tipid siyang ngiti sa mga labi habang ang kaniyang mga mata ay nakatutok lang sa akin na tila ba ako ang pinakamagandang babae sa balat ng