4 Work

1624 Words
Halos mamula na ang balat ko sa pagkuskos ko ng salt spa. Sabi sa mga napanood kong mga vlogs, mabisa daw itong pampakinis. Desperada na akong pumuti at kuminis, kaya naman bumili ako ng iba't-ibang klase ng pampaputi, pampakinis at pampaganda. Achieve naman ang goal na pumuti, dahil tingin ko pantay na ang kulay ng braso ko sa loob ng dalawang linggo lang dahil sa matiyagang pagpahid at pagkuskos ko ng iba't-ibang produktong pampaganda. Hindi na sunog dahil sa labis na init na dulot ng napaka-init na temperatura sa Cagayan. Nakatulong din ang tubig dito sa Manila na may halong chlorine, kaya siguro mas naging effective ang mga produktong ginagamit ko. Para makakuha ng trabaho, specific sa pagiging push girl kinakailangan kong alagaan ang aking sarili. Kailangan kong magpaganda at maging fit. Sabi nga nila asset daw ang balat, mukha, body figure at height para sa pagpasok sa trabaho. At syempre kailangan ng self confidence. Kaya laking tuwa ko talaga kahapon nang matanggap ako sa in-apply-an kong trabaho. Pina-attend din ako agad ng go-see kahapon. Kabadong-kabado ako at sobrang nangangapa pa dahil wala naman akong experience pa, pero buti na lang at madali lang naman ang pinagawa. May pinabasa lang silang spiel na kailangang i-deliver ng maganda. Iyong tipong pang-commercial sa tv ang dating. Habang nagsasalita ka, dapat nakangiti ng pagkalaki-laki ala beauty queen. Ginaya ko lang naman ang example na ginawa ng HR. Kailangan naming bigkasin ang spiel sa harap ng mga clients. Sobrang saya ko ng matanggap ako. Agad na na-process ang application ko, binigyan ako ng company Id at ng uniform para sa event. This is it! May trabaho na ako! Sabi nina Cherry at Aileen ang swerte ko daw dahil ang gosee na iyon ay para sa mga class A girls. Laking pasalamat ko talaga sa kanila dahil tinulungan nila akong makapasok sa trabaho. Kapitbahay ko sila. Palakaibigan sila at kagaya kong nagpupursigi sa buhay. Kahit paano, umangat ng kaunti ang tingin ko sa sa sarili ko dahil sa pagkatanggap ko sa trabaho kahapon. This job, somehow boosts my self confidence and self esteem. Ang lakas makaganda. From now on, I will love myself more. I'll focus on work, dahil ang first project na ito ang simula ng magandang career para sa akin. Sana. Thank you Lord. Pagkatapos kong magbabad sa banyo ay alas-siete na ng umaga. Twelve pm pa ang start ng event, pero ten am dapat nasa venue na kami. Ang event ay isang product activation ng isang sikat na brand ng lotion. Product launch ng bagong variant na Sakura. Sabi nina Aileen kailangan kong galingan, kailangan kong magpa-impress para maka-attract ng madaming client. May mga talent managers din daw na nagpupunta sa mga gano'ng events, at kapag nagustuhan ka nila. Sila na mismo ang mag-o-offer sa'yo na i-model ang kanilang brands. Bukod doon, may mga photographers din daw na dadalo sa event sabi nina Aileen. Advantage daw ang mga pictures at exposure dahil dagdag daw ito sa aking set card para sa portfolio ko. NAKARATING ako sa global city bandang ten am, dalawang oras bago ang start ng work. Lima kaming lahat na push girl at pang-anim ang aming team leader. Kabado ako nang mag-start na ang event. Natatakot na magkamali at pumalpak. Hindi puwedeng bobita ako sa unang araw ng trabaho ko, kaya naman tinignan ko ang ginagawa ng ibang mga kasamahan ko para may idea at guide ako sa gagawin ko. Maganda ang tindig nila, nakangiti at confident habang ginagawa ang spiel nila sa mga customer na lumapit. Huminga ako ng malalim saka ako ngumiti. Kaya ko 'to! May mga lumapit ng mga customers. Hindi ko magawa ang spiel dahil ang mga customers ay matanong. Mabuti at nag-review ako kagabi at nasaulo ko ang mga sinabi sa product orientation kahapon. Mabuti at bumibili naman sila, kaya hindi sayang ang laway ko sa pagsasalita. Habang nag-se-sales talk ay may mga photographers na ngang lumalapit. Kinukuhanan nila ako ng pictures kaya naman ngiting-ngiti ako habang nagsasalita. AT NANG umalis na ang mga customers ko ay nilapitan ako ng mga photographer. Matamis akong ngumiti nang itutok nila ang camera sa akin. Mayroong hawak ko ang item na pinu-push ko at ang ibang post naman ay simple lang. "Hi, I'm Mar," nakangiting pakilala ng isang photographer sa akin. Nag-abot siya ng kaniyang kamay sa akin. "Cecilia," pakilala ko habang nakikipagkamay. Gusto ko man siyang i-entertain at para na rin magpa-impress, pero may mga customers na lumalapit. Nandito ako para magtrabaho. Nag-abot siya ng calling card sa akin bago siya umalis. Tuwang-tuwa ko naman itong tinanggap dahil naalala ko ang sinabi nina Aileen sa akin. Naging busy ako sa buong event. May mga iba pang photographers na lumapit, kumuha ng picture at nagbigay ng calling card. Madami ding lumapit na nakipagkilala lang at basta na lang nag-abot ng calling cards sa akin. Hindi sila nagpakilala. Hindi naman sila photographer dahil wala naman silang hawak na mga camera. Masaya at ganado ako sa buong event. Kahit na masakit na ang panga ko kakangiti at ngalay na ngalay ang binti ko, dahil sa ilang oras na pagtayo. Ganunpaman motivated pa din ako. Ang saya lang at ang lakas makaganda ng trabaho. Naalala ko ang sinabi ng ibang mga models na kasama ko kanina. Ang mga ganitong big events daw ay gateway para sa mas malaki pang mga opportunity. Maari akong magkaroon ng offers para sa mga incoming big events from big clients at magkakaroon ng connection. BANDANG alas-sinco ng hapon ay kaunti na lang ang mga tao. Nagmamasid-masid lang ako sa paligid, minsan naman ay inaayos ang naka-display na products kahit maayos naman. Habang abala sa pagpihit sa mga lotion para magpantay ay nakarinig akong sipol malapit sa kinatatayuan ko. Hindi ko na sana papansinin kaso pamilyar sa akin ang kaniyang hagikgik. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Almira na nakatayo sa gilid ko. "Post ka muna," aniya bago niya ako kinuhanan ng letrato. "Ganda naman this girl," puri niya ng matapos niya akong kuhanan ng ilang shots. Ngiting-ngiti siya at sinipat ang itsura ko. Dumampot siya ng ilang piraso ng lotion kaya naman napangiti ako. "Thank you, ma'am," ngiting-ngiti kong pasalamat sa kaniya. Tanging irap at ismid lang ang naging sagot niya bago siya natawa. "Nakita kita kanina, ang daming lumapit sa'yo na mukhang mga bigtime ah," aniya habang may mapang-asar na ngisi sa labi. "Kilala mo ba sila?" tanong ko dahil mukhang kilala niya kung sino man ang tinutukoy niya na lumapit sa akin. "Not really. Pero ang isa ay nakita ko na sa isang party dati. Hindi ko lang matandaan kung aling party. It's either business or Gala," sagot niya habang nililibot ang tingin sa paligid. "Nandito pala sina kuya Adrian... At hulaan mo kung sino ang kasama niya." Tinaas baba niya ang kaniyang kilay. Muli na namang nakapaskil ang nakakainis na ngisi sa kaniyang mga labi. Hindi ako nakaimik. Muli ko na namang naramdaman ang mabilis at malakas ng pagtibok ng aking puso dahil sa sinabi niya. Wala pang pangalan na nabanggit pero ganito na agad maka-react ang puso ko. Ayan ka na naman, Cecilia! Kinakantiyawan ako ni Almira nang hindi ako agad nakasagot. Pinanlakihan ko siya ng mata para tumahimik siya. Palapit pa man din na sina Kuya Adrian. Mabuti at tumigil na sa pang-aasar si Almira. Pumulot ng lotion si Kuya Adrian. Hindi mahahalata na kakilala ko ang mga nasa harap ko at nakikipagkuwentuhan lang ako, dahil tiyak na bibilhin naman nila ang mga hawak nila. "Kasama ko nga pala si Jetro," wika ni Kuya Adrian na tila tinutudyo ako. Ayan na naman. Parehas sila ni Almira. Nagpunta lang ba talaga sila dito para mang-asar? Tipid akong ngumiti. Tinapunan ko ng tingin si Jetro ng ilang segundo lang. "Kanina pa kami dito. Hindi na muna kami lumapit kasi may mga lumalapit sa'yo at nagbibigay ng calling cards," sabi ulit ni Kuya Adrian. Hindi mawala ang ngisi niya sa labi habang nagsasalita. Pagkatapos magsalita ay binalingan naman niya si Jetro. Sa lahat yata ng unang nakilala ko dito sa Manila, si Kuya Adrian at ang barkada niya ang unang nakapansin ng pagkagusto ko kay Jetro. Hindi ko napansin na ang obvious na pala ng kinikilos ko. Nakakahiya! Buti sana kung may gusto sa akin ang tao, wala naman. "Mukhang magkakaroon ka pa ng offer para maging model," singit ni Almira na nakatayo sa aking gilid. "Hindi naman," maiksi kong sagot. Tinusok niya ang tagiliran ko. "Halata naman na iyong ibang lumapit sa'yo kanina ay may ibang balak. Inaya ka ba sa date?" Kinunotan ko ng noo si Almira dahil sa pinagsasabi niya. Pinanlakihan niya ako ng mata. May pagbabanta, tila sinasabing um-oo ako sa sinasabi niya. "H-huh. Tinatanong kung kailan ako pwede," nauutal kong sagot. Sinakyan ko na lang ang trip niya. Napatawa si Kuya Adrian, kaya sa kaniya ko naman binaling ang aking tingin. Nakatingin siya kay Jetro. Nakita ko na seryoso ang mukha ni Jetro habang nakatingin sa akin. Hindi man lang niya ako nginitian na gaya ng ginagawa niya lagi. Well, he hates me. What would I expect? Tinignan niya ang kabuuan ko. Hindi man komportable sa paninitig niya ay pinilit kong hindi mailang. Nagiging insecure talaga ako sa sarili sa tuwing malapit siya sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na ang gaya niya ay hindi nababagay sa akin. Bukod sa malayong agwat namin sa buhay, hindi din siya nakabubuti sa akin. Whenever he's around me, I feel so small and so low. Bagay na hindi ko naman sana dapat maramdaman. Maybe it's a sign that he is not really the one for me. Hindi siya ang nakatakda para sa akin. Well, you can't force someone to love you. Dahil ang pagmamahal na pinilit ay magdudulot lang ng sakit at pait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD