Alexis' POV "What?!" Hindi ko makapaniwalang bulalas pagkatapos marinig ang sinabi ng aking mate. Mabuti na lang at nanahimik muna si Huina sa pagiging vixen niya at hinayaan muna ako na makausap ng maayos si James matapos niyang mag-mindlink sa akin kanina at sinabi na nahanap na ng mga packtrackers si Loui. Napabuntong-hiningang hinilot ko ang sentido ko bago muling huminga ng malalim at nagsalita. "Paanong napunta siya kay Lurea?" kalmadong tanong ko na sinagot ng ngisi ni James. I rolled my eyes in annoyance. Damn him! Hindi muna ako magpapadala sa mga charms ng lalaking 'to. I need to save my bestfriend immediately and knowing that na kay Lurea si Loui ay hindi napapanatag ang kalooban ko. "Nakausap ko ang packtracker na nakikita kay Nexxus. Base sa r