Matapang na sinalubong ng tingin ni Dello ang nasa harapan niyang leader ng mga rebel werewolves na bigla na lang umatake sa mga packguards habang isinasagawa ng mga ito ang kanilang pagro-ronda sa bandang timog ng kanilang border. Damn! Nakangiwing sabi ni Dello sa kaniyang isip nang maramdaman ang sakit sa braso niyang nahagip ng isang rebel wolf gamit ang matatalas nitong kuko. "Ang lakas ng loob niyong sumugod. Gusto niyo na ba talagang mamatay?" seryosong tanong ni Dello sa mga ito. He mentally chuckled when the rebel werewolves took steps back. Kahit na matapang niyang hinaharap ang leader ng mga rebelde, may ilang parte pa rin ni Dello ang hindi mapalagay lalo na't ilang minuto na ang nakalipas simula nang i-mindlink niya sa kanilang Alpha ang nangyayari. Pagk