3 weeks after... Alexis' POV Nasa likod ako ngayon ng packhouse. Ang pinakamagandang lugar na nakita ko sa halos dalawang linggo na pananatili ko dito. Mula kasi rito ay makikita na ang buong karagatan na nagdadala ng malamig ngunit masarap sa pakiramdam na hangin papasok sa packhouse. Nakaupo ako ngayon sa isang hammock at kasalukuyang nananahimik na pinapanood ang takipsilim habang humahampas sa akin ang hangin na dala sa akin ng dagat. Kakatapos ko lang kasi mag-swimming sa dagat kaya ngayon ay nagri-relax na lang ako. Sa tatlong linggo na pananatili ko dito, marami-rami na rin ang napuntahan kong lugar dahil sa pagsama ko sa second in command ng alphang dalawang linggo na rin missing in action though limang araw naman na ang lumipas simula nang sabihin sa akin ni Ne