Mabilis pa sa kidlat na tumalon silang pareho at sabay na hinablot ang dulo ng tela na parehong nakapulupot sa magkabilang paa ng higanteng kuwago. Hirap na napakapit si James sa tela habang si Dello naman ay sinusubukan humanap ng makakapitan habang sila ay nasa ere at nagwawala ang higanteng kuwago. "Alpha! Kumapit tayo sa mga torch!" Ani Dello na mabilis namang tinanguan ni James kung kaya't habang nasa ere ay naghintay si James na makalapit sa isa sa mga torch na nakadikit sa mga pader. Nang makahanap ng tyempo ay mabilis na kumapit si James sa isang torch at ganoon na rin si Dello kung kaya't ang kinalabasan ay hindi makatakas ang kuwago habang sinusubukan nito na lumipad palayo. Nasa magkabilang bahagi sila ng kuwarto habang hawak ng mahigpit ang tela na nakapulupot