Kasalukuyan kaming nakatanaw sa payapang syudad habang parehong nakasandal sa malaking puno. Hindi ko alam kung bakit pero kuntento na ang damdamin ko sa ganitong sitwasyon. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, kakapagtakang hindi ko ikinagulat iyon na para bang nakasanayan ko na ang mga bagay na ginagawa niya sa akin bagamat may kung anong alon iyong idinudulot sa loob ko. "I'm sorry" mahinanon niyang usal. Nilingon ko naman siya, sinalubong ng mapupungay niyang mata ang paningin ko bago tumingin sa kawalan. Nanatili naman ang tingin ko sa kanya. "I don't know if you care but still, I want to explain." he added. Isang bagay lang ang pumasok sa isip ko, yung sa mall. Hindi ako umimik, naging hudyat siguro iyon sa kanya para magpatuloy sa pagsasalita. "It's public place kaya