Lumipas ang ilang minuto ay tuluyan na ngang bumungad ang pamilyar na bahay sa paningin ko. He parked his car at naunang bumaba pagkatapos ay ako naman ang pinagbuksan niya. Napabuga nalang ako ng hininga at ginawa ang gusto niyang mangyari. Napapagod narin akong makipagtalo dahil sa huli mas malakas parin siya sa akin. Nauna siyang naglakad papasok na sinundan ko. Walang bumabasag ng katahimikan sa aming dalawa hanggang sa makapasok kami ng bahay niya, tila may malalim siyang iniisip habang ako naman ay nakikiramdam sa ano bang dapat kong gawin. Bigla ay naalala ko ang aking anak, sa mga oras na ito ay alam kong iintayin na niya ang pag-uwi ko kaya naman kinuha ko ang cellphone sa aking bag, dumaretyo siya sa kusina habang ako naman ay nagpaiwan sa pwesto ko sa sala. Bahagya pa akon