I was half running nang dumating ako sa ospital. Mabilis kong tinungo ang kwarto ng kaibigan ko at agad na pumasok sa loob. Napatigil ako sa aking pwesto at nanlumo nang madatnan ang kaibigan kong tulala habang nakatitig sa kisame habang nakaupo naman sa gilid si Tita at hinahaplos ang buhok niya. Sinulyapan ako ni Tita at malungkot na ngumiti. "Anak Ayesha's here" tawag pansin ni Tita sa kaibigan ko. Marahang bumaling sa akin ang kanyang paningin. Umalis si Tita sa tabi niya na agad ko ring pinalitan. "Bibili lang ako ng makakain" usal ni Tita, tanging tango lang ang naitugon ko bago siya tuluyang umalis. Binalik ko ang atensyon kay Cassandra at hinawakan ang kamay niya, alanganin akong napatingin sa kanyang tiyan. Napapikit nalang ako ng mariin bago muling dumilat. She weakly smil