Inaayos ko ang mga kubyertos nang narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto. Agad naman akong tumingin doon, bagsak-balikat at nakatungong lumabas si Daevon na para bang pasan niya ang mundo. Anong nangyari sa depungal na to? "Goodmorning" pagkuha ko sa atensyon niya. Kita ko ang paninigas ng katawan niya at saka marahang iniangat ang ulo sa gawi ko. Nagpakurap-kurap pa siya bago umawang ng kaunti ang kanyang bibig. Anong trip ng lalaki na to? Nagulat ako nang mabilis siyang naglakad papunta sa akin, bigla niya akong hinapit at kinulong sa bisig niya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko dahilan para makaisip ako ng hindi magandang bagay. Agang-aga Ayesha dilig ang nasa isip mo. Kingna. Gusto ko ring kwestyunin ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko siyang g