DAEVON'S POV: Ilang oras na akong nakatitig sa kanyang mukha. Until now hindi parin siya gumigising. What happened earlier really drained her. Nakarinig ako ng katok sa pinto kasabay ng pagpasok ng kaibigan kong si Xenoah. Tipid akong ngumiti sa kanya nang makalapit ito sa akin kasabay ng marahan niyang pagtapik sa balikat ko. "I owe you a lot" I said emotionally at muling pinagtuunan ng pansin ang aking asawa na nakahiga sa hospital bed. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko at pinagmasdan din si Ayesha. "She really loves you" he said in the matter of fact tone. Malungkot akong napangiti at napapikit. "Hindi ko alam kung matutuwa ako doon o hindi." nanghihinang usal ko bago idinilat ang aking mata. Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha. "Sa pagmamahal niya sa akin ay munt