(WARNING: MATURE CONTENT) It's already late and Daevon's still in our house. Naglalaro sila ni Daeshaia sa sala habang magkakasama naman kami nina Mommy at Daddy sa kusina. "So what's your plan?" casual na tanong ni Daddy at ininom ang kanyang kape. Pareho nila akong tiningnan, nag-aabang sa isasagot ko. Nasalo ko nalang ang aking mukha at napahilot sa aking sintido. "I don't know. First I need to talk to him." nanghihina kong wika bago sila tiningnan. Tipid na ngumiti si Mommy sa tabi ko at marahang tinapik ang aking balikat. "Everything will be okay. I can feel it, he still love you. Give him a chance." pang-aalo sa akin ni Mommy. Malungkot akong ngumiti at nagpakawala ng hininga nang maalala ko ang mga nangyari kanina. You've got your gut feel wrong mom. "Let's talk" a bariton