Chapter 5 Witch

1281 Words
Ashley Alzalde Tapos na akong maligo at nkapagbihis na rin, umakyat ulit ako papuntang kwarto ni Lance para magpaalam na lumabas. Matagal-tagal rin akong nakatunganga sa harap ng pinto ng kwarto ni Lance, nagdadalawang isip kasi ako kung magpapaalam pa ba ako matapos ang nangyari kanina... 5 minutes later... "Hai..." ako. 10 minutes later... "Aish!" inis kong kinamot ang ulo, "bahala na." Ipinikit ko ang mga mata ko habang kumakatok... "Wow!" I whispered nang mapansing matigas na medyo malambot ang pinto, di ko inaakalang ganito pala katindi ang bahay ni Lance, pati pinto weird. Nakapikit parin ako habang kumaktok, katok lang ako ng katok hanggang sa... "What are you doing, stupid?" napabuka ako ng mata nang marinig ang boses na yon. Para atang natigil ako sa paghinga nang makitang si Lance ang nasa harap ko at kaya pala may kalambotan ang pinto dahil hindi pala pinto ang kinakatok ko kundi ang matipuno niyang dibdib. Napatingala ako sa kanya, nakita kong nakakunot ang noo niya, "a-he...hehe, a-ano kasi, ma-magpapaalam ako, mag-." he cut me off. "Let's go." sabi niya saka hinila ako palabas ng bahay papuntang parking lot, kinalabit ko siya kasi hinahawakan niya ako, "what?" tanong nito na di man lang ako nililingon. Kaya kinalabit ko ulit, tumigil siya na di parin ako binibitawan saka inis akong nilingon, "what is it?" tanong nito ng nakakunot-noo. Itinuro ko ang kamay niya na nakahawak sakin gamit ang nguso ko, "what's wrong with your lips, what? You want a kiss?" tanong nito habang pilyong ngumingiti. Napabuntong hininga na lang ako, ang engot ng taong to, "hinahawakan mo ko panget." sabi ko. "It's okay witch, I can always hold my possession." sagot nito saka ako hinila ulit. Pagdating sa parking lot ay binitiwan niya na ako, "get in the car, I forgot my wallet upstairs." sabi niya saka binigay sakin ang susi at bumalik na sa loob ng bahay. "Get in the car raw? Eh ang daming car... tanga! pano ko malalaman kung saan sa mga to?" I murmured. Hinawakan ko ang susi saka itinuro sa mga sasakyan na nasa harap ko, "mini...mini...minimo." I chanted. Huminto ang chant sa isang pulang sasakyan, kaya pinindot ko na ang button na nasa susi at tumunog ang sasakyan na nasa likuran ko, "hehe wala pala sa mga yon." I said talking to myself. Paglingon ko nasa sasakyan na pala si Lance at nakasandal habang nakatingin sakin, "tsk!" sabi nito pero nakangiti naman. Ibinigay ko sa kanya ang susi na sinalo niya naman agad. ** Kumuha agad ako ng push cart saka nanguha na ng mga kakailanganin, naipuno ko na ang dalawang push cart nang magreklamo si Lance, "that's too much, dalawa lang tayo." sabi nito. "Anong dalawa tayo? E akin lang naman tong mga pinamili ko." sabi ko dito. "Pambihira!" sabi nito saka ako tinapunan ng mapang-insultong tingin. Tinaasan ko lang to ng kilay kaya kumuha na rin siya ng kanya at ipinatong don sa push cart na tulak-tulak niya. ** "Ang lakas mong kumain, di ka naman tumataba." sabi nito nang makauwi na kami. "Grabe naman to kung makapagsalita." reklamo ko. "Totoo naman, mamumulubi ako sayo." pang-iinsulto nito. Napanguso na lang ako at tumigil na sa pagsubo. Napatigil rin siya at mataman akong tinitigan, "stop pouting!" sabi nito. Tumigil na ako sa kakanguso saka bumalik sa pagkain, "tsss, takaw." rinig kong sabi ni Lance. Napatigil lamang kami nang magring ang phone ni Lance, dinukot niya to at saka sinagot napatingin pa siya sakin bago tumayo saka lumabas. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para sundan siya at makinig sa pinag-uusapan nila... ["Alexa?"] rinig kong sabi ni Lance, napakagat labi ako pero hindi ko alam kung bakit, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. ["Pupunta ka dito? Now?"] sabi ulit ni Lance. ["Of course, pwede, pwede ka namang pumunta dito."] sabi ni Lance habang tumatawa. Mga tawang hindi ko narinig nang ako ang kanyang kasama. Napapikit ako, 'nagseselos ba ako?' I asked myself. ["Yeah, take care, bye."] agad akong bumalik sa mesa nang marinig yon, baka mahuli niya ako. Gusto ko pang sumubo pero parang nawawalan na ako ng gana kaya tumayo na ako, "are you done?" nakangiti pa to nang tanungin ako, alam ko na kung ano ang dahilan ng mga ngiting yon. "Oo Lance." tipid kong sagot. "Are you okay?" pagtatanong nito. "Yeah." tipid kong sagot. "Ahm, Lance?" panimula ko, gusto kong itanong sa kanya kung sino yong tumawag kanina. "Hmm?" tugon nito? "Sin... Ah wala." hindi ko na ipinagpatuloy pa, naalala ko bigla ang rules niya ayaw niya palang pakialaman ko ang personal niyang buhay. "Sige, una na ako." sabi ko saka tinungo ang sala. Parang naninikip ang dibdib ko sa presensya niya kaya pumunta ako ng pool kung saan karugtong lang nito ang sala at glass wall lang ang naghahati. Umupo ako sa wooden swing na nasa munting harden na nasa gilid lang ng pool. Habang dumadampi ang malmig na hangin sa aking balat ay napag-isip-isip ako. 'Naiinis ako kapag nakikita ka, nagagalit ako kapag nagsusungit ka, natatakot ako sa mga banta mo, sinusunod ko ang batas mo, nalulusaw ako sa mga titig mo, nanghihina ang tuhod ko kapag hinahalikan mo... At ngayon lang, nagseselos na ako... Lance, mahal na kita.' mga katagang tumatakbo sa isipan ko. Natigil lamang ako sa pag-iisip nang biglang may narinig akong boses ng isang babae, "Lance?" tawag nito kay Lance. Lumabas naman si Lance at agad namang lumapit sa kanya ang babae saka humalik sa pisngi. Nag-iwas ako ng tingin, nakakasakit na tanawin. Tumayo na ako nang makitang humawak ang babae sa braso ni Lance, para naman akong napako sa kinatatayuan nang magtagpo ang mga mata namin. "Who is she?" maarteng tanong nito. 'Diyos ko naman, napaka OA ng babaeng to.' I said at the back of my mind. Di ako sumagot, hahayaan kong si Lance ang sumagot, titingnan ko kung ano ang ipapakilala niya. "Don't mind her." sagot ni Lance saka akmang aalis na. "But I wanna know who she is." sabi nito, bwiset tong babaeng to ah, baliko pa naman ang paa. "My maid." cold na sabi ni Lance. 'What?! Ako maid?' I screamed inside. Sa ganda kong to, maid ako?! Agad namang ngumisi ang babaeng may balikong paa, "ah I see, hey, will you please get me a glass of lemon juice?" sabi nito na ikinagulat ko. "Will yo please get me a glass of lemon juice." I chanted while making faces. "Are you saying something?" maarteng tanong nito. "Wala." masungit kong sagot. "Ma'am, call ma'am." sabi nito. "Eh kung ayaw ko?" nabigla pa to sa inasal ko. "You... "She said, akmang susugurin ako pero nagpigil naman agad dahil nagpapabango kay Lance. Plastic tong ngumiti, "okay lang naman sakin kung ayaw mo, just call me Alexa na lang." pagpapanggap nito, napakaplastic talaga. Di ko na to sinagot sa halip ay tinalikuran ko na to para kumuha ng juice, "napaka feeling mo e ang layo mo sakin." I murmured. Ipinagtimpla ko siya ng lemon juice saka kumuha ng limang kutsarang asin at saka inihalo doon. Paglabas ko ay nakita ko tong mag-isang nakaupo sa may pool area, napangiti ako, agad akong tinaasan ng kilay nito nang makita niya. Paglapit ko ay ibinuhos niya ang juice na dala ko, "oops, sorry, will you please get me another one?" maarteng sabi nito, ngumiti lang ako dahil may naiisip nanaman akong panibago. Nakapagtimpla na ako ulit, magaling to dahil upgraded na ang juice ko, may halong asin na pinigaan ko ng sili at pinigaan ko rin ng pamunas sa paa. Ibinigay ko sa kanya saka niya ininom, halos maduwal na to sa sama ng lasa, "anong nilagay mo dito?!" inis niyang tanong. "anong nilagay ko? Asin, sili at ang pinakamasarap sa lahat ay ang katas ng pamunas namin sa paa, sayang nga, hindi ako naiihi...lalagyan ko sana." nakangisi kong sagot. "F**k you!" sabi nito habang nagdidirty finger. Ngumiti lang ako saka itinukod ang mga kamay sa upuan niya dahilan para makulong siya, "that's it b***h meet the witch." I said sarcastically. Tumalikod na ako para iwan siya pero bigla niyang hinila ang buhok ko, "sl*t!" sabi niya. Hinarap ko to saka sinipa, "sa lahat ng ayaw ko e yong hinahawakan ang buhok ko." gigil kong sabi saka malakas siyang sinuntok. "Katulong ka lang naman dito..." I cut her off. "Magdahan-dahan ka sa mga sinasabi mo! Hindi ako katulong dito, asawa ako!" I said, nanlaki ang mga mata nito. "Liar!" di makapaniwalang sabi nito. Kaya kinaladkad ko to papasok ng kwarto ko at ipinakita sa kanya ang wedding picture namin. Umiiyak na to, "kaya kung ako sayo, wag ka ng babalik dito dahil kumakain ako ng hilaw na karne." pananakot ko, agad naman tong kumaripas ng takbo palabas. Napangiti ako dahil masaya ako, satisfied na satisfied ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD