Ashley Alzalde Isang musikang walang liriko ang nagpagising sa'kin, di pa man malinaw ang paningin ko ay ang wangis na ni Lance ang nakikita ko, sa kanya pala nanggaling ang himig na 'yon. "Goodmorning." nakangiting turan nito. "K-kanina ka pa ba?" tanong ko dito. "Nakatatlong rounds na nga ako sayo kanina, di ka pa rin nagigising." aniya habang sumisilay ang isang pilyong ngiti. "Baliw." Inaantok kong turan. Ngumiti 'to saka hinimas ang noo ko bago nito pinaglaruan ang iilang hibla ng buhok ko, nakita ko kung papano 'to mariing napapikit habang inaamoy ang mga hiblang 'yon saka niya ako hinalikan sa noo. Tumayo 'to at inalis ang kumot na bumabalot sa katawan ko, pinanlakihan ako ng mata sa ginawa niya, dahil dun ay lantad na lantad sa harapan niya ang hubad kong katawan. Isang malal