Ashley Alzalde "Ashleyyyy." tawag sakin ni Stacy, di ko na to nilingon, alam kong lalapit rin naman siya. "Ano nanamang balita mo?" tanong ko agad nang makalapit na to kasama ang iilang modelo, lagi naman kasi siyang ganito. "May bago nanaman tayo." sabi nito habang ngumingiwi. "Mala Erica rin ba?" nakangiti kong tanong habang nagme-make up sa sarili. "I don't know but somewhat may pagka b***h rin." diretsahang sabi nito. "Ininsulto niya nga si Maureen kanina at saka ako." pagsusumbong ni Meliza. "Really?" taas kilay kong tanong. "Actually... Nakatunganga siya ngayon kay Mr. Oh so hot president, and may sasabihin ako na tiyak na ikagagalit mo..." pambibitin nito. "Ano?" kunot noo'ng tanong ko dito, grabe naman kasi kong magkwento si Stacy, may pabitin-bitin pa. "Inuupuan niya ang