Telling her a story with a twist of old memory... Ashley Alzalde Mag-iisang linggo na mula nang makauwi kami ni Lance, nagpapaiwan lang ako sa bahay sa tuwing umaalis siya, tulad ng dati parang nagbalik kami sa wala, nagigising ako ng wala siya hanggang sa makatulog na lang ako ng wala siya, naiisip ko tuloy minsan na baka di siya umuuwi kung di lang dahil sa mga damit niyang nagamit na, palatandaan na umuwi siya, ay baka maniwala talaga akong may inuuwian siyang iba. Simula nung may nangyari samin sa Isla, para na akong paranoid, maraming mga bagay, masasamang bagay ang pumapasok sa utak ko. Nagsisimula na rin akong matakot na baka masaktan ako ulit, na baka pinaglalaruan niya nanaman ako. Naisip kong maghintay, ayokong matulog, gusto kong makita siya kasi... Kasi gusto ko. Naupo na