HABANG busy sa pakikipag-usap ang chairman, nasa tabi lang siya nito. Nakahawak pa rin siya sa kaliwang braso at hawak din nito ang palad niya. At kahit nang may dumaan na waiter na may dalang tray ay kumuha ito ng wine at inabot sa kaniya. Pagkatapos ay continue sa pakikipag-usap sa mga kaharap na negosyante. “Chairman, totoo ba na ang babaeng nasa tabi mo ay ang future wife mo?” tanong ng isang may edad na lalaki. “Yes, she’s my fiancee.” “May agreement tayo baka nakakalimutan mo?” “Wala akong natatandaan na nakiayon ako sa gusto mo, Vice President, ang pribado kong buhay ay hindi kasali sa negosyo.” “Matagal naghihintay at umaasa ang aking anak kaya nga siya naririto. Iniwan niya ang trabaho ibang bansa para lang makita ka at mapag-usapan nyo ang nalalapit ninyong kasal.” “Wala ak