KAUSAP ni Micah, ang ama at ina. Kailangan niyang malaman ang totoo. Lalo pa at meron babae nag-claim na anak nito si Chaus Kenzo. “Anak, si Chaus Kenzo, ay anak mo.” na windang si Micah, sa narinig mula sa bibig ng ama at ina. “Paanong hindi ko alam na anak ko pala siya at kakambal siya ni Niko Kairo?” umiiyak na tanong ni Micah, sa mga magulang. “Tama ka kakambal siya ni Niko Kairo, noong ipinanganak mo siya. ‘Di ba ang alam mo namatay ang isa sa kambal?” “Opo, saka meron bangkay ni Baby, kaya paano siya nabuhay?” “Makinig ka at ipapaliwanag namin sayo ang buong pangyayari.” “Opo, mama papa makikinig po ako.” Four-years ago. “Sweetheart, huwag ka ng malungkot gagawa ako ng paraan. Hindi natin papayagan na masunod si Papa. Apo natin ang mga bata, at hindi ako papayag na papatayin