GABI nakatayo si Micah, sa pintuan ng silid na okupado nang mga magulang. Hindi siya mapalagay nais niyang malaman kung sino talaga ang ina ni Chaus Kenzo. “Tita Micah!” Lumingon siya ng marinig ang kaniyang pangalan at nakita niya si Chaus Kenzo. Umiiyak din ito at tumatakbo palapit sa kaniya. Kaya agad niya itong sinalubong at binuhat. Pero mabilis na yumakap ito sa leeg niya. “Shhh, don't cry, bakit ka pala umiiyak at gising ka pa nasaan ang daddy mo?” “H-Hindi ko po alam, T-Tita Micah.” “Eh, bakit ka nga umiiyak?” muling tanong ni Micah. “N-Napanaginipan ko po yung babae. Mama ko daw siya pero maraming dugo at hindi na siya gumagalaw.” “Tahan na panaginip lamang yon at walang katotohanan. Ahm… gusto mo ba doon ka matulog sa kwarto ng Kuya NK?” “Opo, Tita Micah, doon na lang po