AMOY alak si Chairman Niko Kairo, kaya lalong nakaramdam ng takot si Hannah Reese. Ganun pa man sinikap makapag isip ng maayos. Sapagkat lalo lang siyang mapapahamak kapag pinairal ang takot. “Bakit hindi mo subukan na tumakas uli ha? Sipain mo ako ‘di ba magaling ka doon sabi nga ng bodyguard ko para ka raw kabayo. Ngayon ipakita mo sa akin ang galing mo upang matakasan mo ulit ako.” “C-Chairman, ano po ba talaga ang gusto mo bakit ganito ang ginagawa mo sa akin? Alam naman po ng Diyos na wala talaga akong ginawang mali. Ano po ang kailangan kong gawin upang tigilan mo na ako?” “Umuwi ka ng Pilipinas at bumalik ka sa akin meron akong ipapagawa sayo. Bibigyan kita ng isang araw para pag-isipan. At wag kang mag-alala mas malaki ang offer ko sayo kumpara sa sahod mo dito.” “Paano ako na