Pagkagising ko ay nakatunghay lang sa akin si Mama at bakas sa mukha nito ang pag-alala niya sa akin. Nang maalala ko ang buong pangyayari ay kaagad akong bumangon upang hanapin ang hospital na pinagdalhan ni Kylie. “Anak, ano ba? Talaga bang hindi ka na mapipigilan diyan sa nararamdaman mo para kay Kylie?” Nagulat ako sa tanong ni Mama. Buong akala ko kasi ay wala siyang idea tungkol sa pagiging close ko sa babae o kung mayroon man ay hindi lang nito papansinin. Sandali akong pumikit at pagkalipas ng ilang segundo ay nagsimulang mangilid ang luha sa aking mga mata. “Mahal ko siya,” sabi ko sa kanya sa gumaralgal na boses at nakatitig lang siya sa akin. “Iho, bata ka pa. Hindi ka pa nga tapos sa pag-aaral mo, eh! Marami ka pang plano, ano’ng nangyari?” “Hindi naman po nagbago ko an

