“Kylie…,” mahina kong tinawag ang pangalan niya nang makapasok ako sa kanyang silid. Nagtapis na rin siya ng tuwalya ngunit ganunpaman ay hindi pa rin maganda ang aking pakiramdam. “Bakit?” “Ang ganda mo ngayon,” sagot ko. “Lagi naman akong maganda, hindi mo lang napapansin. Gwapo ka rin naman, ah!” “Kung maganda ka at gwapo ako, ibig sabihin ay bagay tayo?” Idinaan ko na lang sa biro ang lahat dahil halos mabingi na ako sa lakas ng t***k ng aking puso. “Nice try, Jericho. Ayaw mo ba talagang umalis? Bahala ka,” sabi niya na parang nagbabanta. “Joke lang. Hihintayin kita sa labas,” sabi ko sa kanya at mabilis akong tumalikod at nagtungo sa may pintuan. Nang lumabas ang babae ay kasama nito ang kanyang anak kaya hindi kami nagkausap ng maayos. Nagtangka si Marian na kunin ang b

