CHAPTER 20 - JERICHO'S POV

3937 Words
         Matagal bago ako sumagot sa kanyang pagpapa-cute sa akin ngunit nang mapansin ko na bigla na lang siyang tumahimik, kaagad akong nakunsensya. Hay, may mali na nga talaga sa akin. Bakit hindi ko siya kayang tiisin at kaagad na lumambot ang aking puso sa kanyang tanong?  “Bati na tayo please? Ayokong magalit ka sa akin,” muli siyang nagsalita makalipas ang ilang segundo at napangiti na lang ako sa kanyang tono. “Kasi wala ka ng driver, binobola mo pa ako,” sinagot ko siya at kaagad na tumawa ng malakas ang babae sabay kurot sa aking tagiliran. “Ang cute mo talaga kapag naiinis ka,” sabi pa niya na para bang nakipag-flirt siya sa akin.  Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay parang nagpahiwatig si Kylie sa akin. Hindi naman ako ignorante sa mga ganoong istilo kahit na hindi pa ako nagkaroon ng nobya. Matalino naman akong tao at ramdam ko na mayroong kakaiba sa kanyang mga kilos. “Matagal ko ng alam na cute ako, Kylie. Palagi iyong sinasabi ni Mama sa akin pero ikaw ay hindi ka cute.” Hindi naman sa gumanti ako sa kanya o di kaya ay nananadya pero parang ganon na nga. “Ang salbahe mo naman,” sabi niya. “Nagsasabi lang naman po ako ng totoo,” giit ko ngunit bigla ulit siyang natahimik. Sa tingin ko ay may saltik nga yata sa ulo ang babae dahil masyado itong moody. May mali ba sa sinabi ko sa kanya? Wala naman siguro. “Tumigil ka na, ikaw ha, malapit ka na talagang makakatikim sa akin!” Biglang kumunot ang aking noo nang marinig ko ang kanyang pagbabanta at napailing na lang ako bago sumagot. “Okay lang, mukhang masarap ka naman,” biniro ko siya ngunit mali yata ang ginamit kong salita dahil bigla na lang niya akong hinampas sa braso. Mapanakit talaga si Kylie. Ilang beses na niya akong nahampas o di kaya ay nakurot. “Ano ulit iyong sinabi mo? Pakiulit nga!” Galit na utos niya sa akin. “Wala,” sabi ko. “Ano’ng wala eh may sinabi ka kaya kanina, hindi ko lang narinig ng maayos!” Igiinit ni Kylie na hindi raw niya narinig ang sinabi ko kanina, pero bakit siya nagagalit? Ang gulo niya talagang kausap, naisip ko. “Ang sabi ko, mukhang masarap ka naman!” Pagkasabi ay kaagad akong nagsisi dahil muli niya na naman akong tinampal sa braso.  “Bastos mo,” reklamo niya. “Hindi ka talaga mabiro. O baba na, narito na tayo,” sabi ko nang dumating na kami sa aming destinasyon. Nang lumingon ako sa babae, nagtaka ako kung bakit kumunot na naman ang noo nito. “Saan? Wala namang bahay dito,eh,” muling nagreklamo ang babae. “Talagang wala kasi nasa tuktok nitong bundok ang bahay ni Tay Biloy at hindi kaya ng motorsiklo na umangat kaya lalakarin na lang natin,” pahayag ko sa kanya.   “Ganun ba? Eh di tara na,” sabi pa niya. “Kakayanin mo kaya?” Tinanong ko ang babae kasi hindi ako sigurado kung kakayanin niyang umakyat ng bundok. “Ano’ng akala mo sa akin? Weak? Porke’t hindi ako sobrang slim ay hindi ko na kayang umakyat sa itaas? Kung sa tingin ninyong dalawa ay mataba ako, well, para sa akin ay sakto lang itong katawan ko! Tapatin n’yo nga ako, ano sa tingin n’yo, mataba ba ako?”  “Malaman at sexy po, Ate,” tugon ni EJ at kaagad kong tiningnan ng masama ang aking kapatid. Pagdating kasi sa mga babae ay slim ang ideal na pangangatawan para kay EJ. Ang totoo niyan, pare-pareho lang kami ng standard ni EJ dati. Dati noong hindi ko pa nakilala si Kylie. Ngunit nang makilala ko na kasi siya, naisip ko na hindi iyon ang importante. Muli pa sanang magsasalita ang kapatid ko ngunit sininyasan ko siyang manahimik na muna. Si EJ kasi ay hindi muna mag-iisip bago magsalita at kadalasan ay huli na at may na-offend na itong tao. “Kaya mo pa ba?” Tinanong ko si Kylie na kanina pa tumahimik pero naririnig ko ang malakas niyang paghinga. “Hinihingal ka ba?” Muli akong nagtanong kasi concern ako sa kanyang sitwasyon. Nang lumingon ako, nakita ko si EJ na parang natatawa. “Pakiramdam ko ay halos mabiyak na aking dibdib,” reklamo ng babae nang marating namin ang tuktok ng bundok. “Hindi ba kayo nahihirapan sa pag-akyat? Bakit chill lang kayong dalawa samantalang ako ay halos mamamatay na?” “Kulang ka kasi sa ehersisyo kaya madali kang mapagod,” paalala ko sa kanya ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay. Bakit na naman kaya? Mukhang galit na ulit siya sa akin! “Porke’t araw-araw kayong pumupunta sa gym ay may karapatan na kayong husgahan ako?” “Ha? Hindi naman kita hinusgahan, Kylie, eh. Sinabi ko lang naman na kulang ka sa ehersisyo kaya ka hiningal ng husto kanina,” paliwanag ko sa kanya. “Whatever! Si Tatay Biloy ba ‘yon?” Itinuro ng babae ang isang matandang lalaki na gumawa ng apoy sa harap ng bahay nito. “Opo Madam, si Tatay Biloy ‘yon,” sabi ko sa kanya ngunit bigla na lang tumakbo ang babae at nilapitan ang matandang lalaki na sobrang nagulat nang bigla kaming sumulpot sa kanyang harapan. “Hello po, Tay,” bati ko sa matanda at ngumiti naman ito kaagad nang makilala niya ako. “Ikaw pala, Jericho. Bakit naligaw kayo dito sa bahay?” Tanong ng matanda. “Magpapahilot po sana itong kasama naming babae, Tay,” paliwanag ko sa matanda at tumango lang ito at sinenyasan si Kylie na maupo na muna sa balconahe ng kanyang bahay at doon maghintay.  “Ate sumigaw ka lang ha at narito lang kami,” pabirong sabi ni EJ kay Kylie at kaagad na kumunot ang noon ng babae. “At bakit naman ako sisigaw eh magpapahilot lang naman ako?” Napailing na nagtanong si Kylie sa amin ngunit hindi ko siya sinagot, at pati si EJ ay hindi na rin nagsalita.   Pagkatapos gumawa ng apoy ang matanda ay kaagad na itong nagtungo sa may balconahe kung saan naghihintay si Kylie sa kanya. Nang tumingin si Kylie sa akin ay ngumiti lang ako ngunit bahagya akong nakunsensya habang papunta sa may upuan na malapit lang din sa balconahe ng ni Tay Biloy. “Halika at maupo ka muna habang titingnan ko ‘yan,” sabi ng matanda kay Kylie. “Salamat po,” sagot ng babae at kaagad na nitong hinubad ang suot na hoodie upang mas matingnan ng maigi ni Tay Biloy ang kanyang siko. “Mukhang kanina pa ‘to. Kumapit ka diyan sa may haligi upang malagyan kita ng gamot,” utos ng matanda at kaagad namang sumunod si Kylie. Napansin ko na palinga-linga sa paligid si Kylie na para bang may hinanap ito at nang tumingin siya sa gawi ko ay ikinibit ko lang ang aking balikat. Sandali siyang nakatitig sa akin ngunit ang babae na rin ang unang nagbaba ng tingin. Nakamasid lang ako sa ginawa ng matanda sa kanya at napansin kong ngumiti si Kylie nang hawakan ni Tay Biloy ang kanyang braso.  “Sa tingin mo ba Tay ay magiging okay pa itong siko ko?” Nagtanong ang babae. “Baki naman hindi? Tinawag ka yata ng kasamahan mo,” sabi ni Tay Biloy at kaagad namang lumingong muli si Kylie sa amin at napangiwi na lang ako nang bigla itong sumigaw. Alam ko kasi na strategy lang iyon ng matanda upang hindi mapansin ni Kylie na hahatakin nito ang kanyang kamay. I felt bad for Kylie but there was nothing I could do to help her. Masakit talaga ang pamamaraan ng paghilot ng matanda ngunit proven and tested naman ito na epektibo.  “Tay, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na masakit?” Maluha-luhang nagtanong ang babae sa matanda. “Alam mo bang nakakita ako ng bituin sa sobrang sakit ng ginawa mo sa akin?”  “Kasi kung sinabihan kita, baka matakot ka lang. Igalaw-galaw mo lang siya para masanay,” sabi ng matanda habang pinahiran nito ng lana o liniment ang braso ng babae. “Eh paano ko naman ito igalaw-galaw eh ang sakit kaya!” Patuloy na nagreklamo si Kylie sa matanda. “Basta ang importante ay okay na ‘yan,” saad ng matandang hilot. “Salamat po,” sabi ni Kylie at pagkatapos ay dumukot ito ng pera mula sa dala nitong wallet. Nagpaalam ang babae sa matanda pagkatapos nitong ibigay ang pera at nagpasalamat din si Tay Biloy sa natanggap nitong regalo. Libre naman talaga ang magpahilot pero kadalasan ay binibigyan talaga ang matanda ng kanyang mga customer. Siguro dahil matanda na ito o may extra money lang ang mga nagpapahilot dito. Nakita ko kung paano nag-struggle ang babae na muling isuot ang hoodie at nang mapagtanto nito na mahirap isuot ang hoodie habang hindi niya maigalawa ng maayos ang kanyang isang kamay ay tumigil na rin  ito. Pagkatapos ay mabilis itong naglakad papunta sa kinauupuan namin ni EJ. “Hindi mo man lang nabanggit sa akin na masakit ang gagawin niya,” sinisi ako ni Kylie. “Eh matatakutin ka kasi pero at least okay na, di ba?” “Ano’ng okay? Tingnan mo nga itong kamay ko, naka-straight na lang siya, Jericho! Ni hindi ko nga maisuot muli itong hoodie,” muling nagreklamo si Kylie.  “Bukas siguro ay magiging okay na ‘yan,” sabi ko pero bakit parang ako pa ang may kasalanan? “Sana nga! Paano ako maliligo nito? Paano ako kakain?” “Narito lang naman ako, pati na rin si EJ. Huwag ka ng mag-aalala kasi i-assist ka namin,” pangako ko sa kanya ngunit nang hindi pa rin umayos ang mukha ng babae ay nagsimula na akong makaramdam ng inis at tiningnan siya ng masama. “Dapat ay sinabi mo sa akin kasi alam ko naman na alam mo ang mangyayari!” Patuloy na naghimutok ang damdamin ni Kylie. “Hindi ko alam kung bakit parang kasalanan ko na nagkaganyan ka. Nagmagandang loob na nga kami na samahan ka rito tapos ikaw pa itong galit,” paalala ko sa kanya at nang lumingon ako kay EJ, parang pinagtatawanan lang ako ng kapatid ko. “Sorry na,” humingi ng paumanhin ang babae ngunit hindi naman yata ito sincere, eh. Inirapan pa kasi ako kaya hindi ko na lang pinansin at baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Kung ang ibang lalaki kasi ay hahayaan lang ang babae na talak ng talak kahit walang kasalanan ang lalaki, ibahin niya ako kasi makakatikim talaga siya ng sermon mula sa akin.  “Sorry na nga,” ulit niya nang hindi ako sumagot kanina. “Okay,” sabi ko naman dahil ayoko na sanang magsalita pa. “Pakiramdam ko ay para akong isang robot,” muling nagreklamo si Kylie nang bumaba kami ng bundok. “Hindi ko kasi maigalaw ang isa kong kamay, ni hindi ko siya kayang i-bend. As in naka-straight lang talaga siya!” Panay ang reklamo ng babae habang pababa kami ng bundok at nang makarating na kami sa baba ay nagulat din yata siya na nakarating na kami. Wala kasi siyang ibang ginawa kung hindi ang magreklamo. “Galit ka ba sa akin, Jericho?” Nagtanong siya. “Bakit mo naman naitanong ‘yan?” “Hindi ka kasi nagsalita simula kanina. Nag-sorry na nga ako kanina, di ba?” “Paano ako magsalita eh hindi ako makasingit? Ang daldal mo kanina,” nagreklamo na rin ako. “Oo nga, Ate Kylie,” sang-ayon naman ni EJ habang pinaandar na nito ang motorsiklo at pagkatapos ay umalis na kaagad kami kasi malapit ng dumilim.  “Dahan-dahan naman po, EJ. Masakit kasi tuwing maigalaw ko siya,” nakiusap ang babae kay EJ. “Okay Madam,” sagot ni EJ na siyang dahilan kung bakit ako natawa. Madam na madam kasi ang asal ni Kylie sa amin, at sa tingin ko ay masyadong inabuso ng babae ang kanyang pagiging mas matanda sa amin ni EJ. Nang maihatid na namin si Kylie sa bahay niya ay kaagad na rin kaming nagpaalam ni EJ na uuwi na kasi takot kami pareho na mapagalitan ni Mama. “Sabay na tayong mag-dinner,” nagyaya ang babae. “Next time na lang po, Kylie. Magagalit na si Mama kung hindi pa kami uuwi ngayon,” sagot ko. “O sige, next time na lang. Ay sandali, kunin mo na ‘to,” sabi ng babae at binigyan niya ako ng three hundred pesos. Ayaw ko sanang tanggapin pero iginiit kasi niya na tanggapin ko kaya kinuha ko na lang. “Ingat kayo pauwi,” bilin ng babae sa amin ni EJ. Kaming dalawa ang sinabihan niyang mag-ingat ngunit masyadong big deal iyon para sa akin. Dumiretso kami ni EJ sa tindahan dahil doon din naman kami kakain ng hapunan. At dahil magkasama kaming dalawa ay hindi na nagtanong si Mama kung saan kami galing. Basta noong makita niya kami ay kaagad na nitong hinanda ang mesa. “Evening, Ma. Nasaan si Papa?” Tanong ko. “Parating na ‘yon, may binili lang sa bayan,” sagot ng Mama ko at tama naman siya dahil kaagad na naming narinig ang tunog ng motorsiklo ni Papa. “Sige na, maghugas na kayo ng kamay,” paalala niya sa amin at nang makabalik kami sa hapag ay pareho kaming nagulat ni EJ sa ulam na binili ng Papa namin. “Tuwang-tuwa kayong dalawa sa manok,” sabi ni Papa sa amin. “S’yempre po!” At magkasabay pa kaming sumagot ni EJ dahil pareho naming paborito ang manok simula nang sineryoso na namin ang pagpunta sa gym. Hindi na kasi kami kumakain ng karneng baboy, eh. Manok, isda at gulay na lang.          As usual, masaya ang dinner time namin ng buong pamilya. Alam ni Papa na matagal na akong nag-crave ng chicken mula sa restaurant na ‘yon ngunit naipangako ko kasi sa aking sarili na hindi na ako pupunta doon. Minsan kasi ay nag-dinner kami doon, kaming buong mag-anak, ngunit na-disappoint ako sa inasal ng may-ari. First time iyon na sumama sina Mama at Papa sa amin, at dahil uso ang picture taking sa naturang kainan, hindi ko inasahan na lalampasan lang kami. Sa lahat ng kumain doon, kami lang ang hindi kinunan ng larawan. Maliit na bagay lang iyon kung tutuusin pero iyong feeling na parang minaliit kami, big deal iyon para sa akin kaya kinausap ko na ang may-ari. Humingi siya ng paumanhin pero hindi na talaga nagpupunta doon. Siguro kung alam lang ni Papa ang buong pangyayari, hindi na rin ito pupunta. Pagkatapos naming kumain ay kaagad na nagyaya si EJ na maglalaro daw kami ng Mobile Legends ngunit tumanggi ako dahil kailangan ko pang hugasan ang pinagkainan namin. Kahit na sinabi ni Mama na siya na lang daw, iginiit ko talaga na ako na dahil gusto kong makatulong. Buong araw na nga silang nasa tindahan, kahit papaano naman ay gusto kong tumulong. “Ayaw mo talaga?” Tanong ni EJ sa akin bago siya lumabas. “Mauna na kayo ng isang game, next game na lang ako,” sagot ko sa kanya. “Sige,” sabi ni EJ. Mabilis lang naman ang maghugas ng pinagkainan pero siyempre, gusto ko munang magpahinga ng kahit ilang minuto. Anyway, hindi naman mawawala ang laro na ‘iyon. Ang sarap kasi sa pakiramdam na nakatambay lang sa labas habang nakatingala sa langit. Bonus na rin kung mayroong buwan o di kaya ay maraming bituin. Nang binuksan ko ang aking messenger, nagulat pa ako sa dami ng new messages sa group chat namin. Naka-mute kasi iyon pero lagi ko namang tinitingnan talaga. Kanina lang ay na-busy ako kaya di ako nakapag-open ng messenger. Muntik ko ng makalimutan na may palaro pala sa plaza bukas at kailangan ako doon. Bilang SK Chairman ng barangay ay kailangan kong pumunta kahit hindi ako kasali sa mga players. Si EJ lang ang nakasali sa isang basketball team. “s**t!” Tahimik akong napamura nang maalala ko na kailangan ko na palang magpagupit. Hindi kasi ako komportable kapag medyo mahaba na ang aking buhok. Nang maalal ko iyon ay kaagad ko ng nilapitan si EJ upang sabihin sa lalaki ang plano ko. “Ano’ng oras tayo aalis bukas?” Tanong niya habang ang mga mata ay nakatutok sa screen ng kanyang cellphone. “B’wesit talaga ang Angela na ‘to!” Malutong na nagmura si EJ nang mapatay siya ng Angela. Dahil sa nangyari ay naalala ko tuloy iyong huli kong nakalaro na Angela rin ang hero. Umay ang isang iyon! “Patingin ng standing mo,” sabi ko kay EJ ngunit iba talaga ang gusto kong tingnan. Ewan ko ba ngunit may kutob akong hindi maganda. “Kanina pa talaga ang Angela na ‘to, eh!” Dagdag pa ni EJ habang ipinakita niya sa akin ang kanyang standing, at kaagad kong tiningnan ang IGN ng kanyang kalaban. Pagkatapos ay nagbukas na rin ako ng ML sa phone ko. “Pasali next game,” sabi ko habang naghihintay na bumukas ang gaming app. Dumiretso ako sa aking history at napaangat na lang ang kilay ko pagkatapos kong ikumpara ang IGN ng kalaban ni EJ at ang IGN ng dati kong kakampi na Angela. “Tangina naman,” mahina akong nagmura dahil ayokong marinig ni EJ na nagmumura pala ako kahit wala sa game. “Hayst, talo na naman,”reklamo ni EJ nang matalo sila. “Bawi tayo next game,” sabi ko sa kanya. “Ikaw na ang mag-core,” utos ni EJ at tumango lang ako dahil hindi rin naman ako papayag na hindi ako ang mag-core sa laro. Hindi kasi ako komportable kapag iba ang mag-core kasi feeling ko ay matatalo lang kami. “Umay, may Angela na naman,” reklamo ni EJ nang may pumili ng Angela sa isang kakampi namin. Hindi ko kaagad napansin ang IGN niya dahil busy ako sa pagpili ng skin na gagamitin ko. “Umay nga,” sabi ko nang mabasa ko ang kanyang pangalan. “Kung p’wede lang sanang pumatay ng kakampi,” sabi ko at nagtawanan na ang iba pa naming kasama. Apat kasi kami at iyong Angela lang ang hindi namin kasali sa squad. “Collector pa nga,” muling nagsalita si EJ nang makita naming lahat ang ginamit na skin ng Angela. Hindi na lang ako nagsalita dahil parang nakikita ko na ang kalalabasan ng laro mamaya. Pero may naisip akong solusyon upang hindi niya ma-KS ang mga kills ko. “Guys, kapag sumanib iyong Angela, uwi sa base, okey?” “Okay!” Sabay na sumang-ayon ang mga mokong sa plano ko ngunit nang magsimula na ang laro, mas nab’wesit ako sa mga kalaban. Panay pa cute sa Angela! Gaya ng plano namin, uuwi kaagad sa base kapag sumanib iyong Angela, at tuwang-tuwa pa kami noong una dahil nagsimula ng magmura ang support namin. Galit na galit siya at nagbanta pa nga! Sunod-sunod ang mga chat niya sa mga players at nanlaki na lang ang mga mata naming apat habang nagkatinginan. ‘SA AKIN LANG KAYO PA-KILL, MAY EPIC SKIN KAYO!’ ‘REPORT NATIN IYONG APAT KONG KASAMA!’ Inakala namin na walang maniniwala sa mga pinagsasabi ng Angela pero nagulat na lang kami dahil kapag nag-iisa lang si Angela, doon sila magpapakita at hinayaan lang nila ang Angela na pumatay. Nakailang savage na nga ang bruha dahil sa mga pinagagawa nila. “Karma ba ‘to?” Tanong ni EJ. “Report natin,” suhestiyon ko. Masyado naming minaliit ang kakayahan ng Angela na pumatol sa mga toxic na players at iyon nga na-karma kami. Panalo kami sa laro ngunit kaming apat ay tanso at MVP ulit c Angela. Ewan ko lang kung totohanin ba ng bruhang iyon ang kanyang pangako na may pa-epic skin sa mga kalaban. Sabagay, kung kinaya nitong kunin ang collector skin ng Angela, malamang na maraming diamonds ang kanyang account. “Ayoko ng maglaro, nab’wesit ako,” sabi ko kay EJ. “Tingnan mo credit score mo,” mungkahi niya kaya kaagad kong tiningnan ang credit score ko at nagkatinginan na lang kaming lahat. “Sino ba kasi iyon at parang magkagalit na kayo noon pa?” Tanong ni EJ na parang sinisi niya ako sa nangyari. Ang laki kasi ng ibinawas ni Moontoon kaya hindi kami makapag-RG muna. “Galit ka rin naman sa kanya, eh! Siya ‘yong Angela na kalaban mo kanina,” sabi k okay EJ. “Tangina naman!” “Sabi ko nga, eh.” Dahil sa nangyari ay tuluyan na akong nawalan ng gana maglaro at naisipan ko na matulog na lang maaga. Marami pa akong gagawin bukas at kailangan ko pang magpagupit. Inakala ko na bangungutin ako ng dahil sa Angela ngunit sobrang maganda ang aking panaginip. Magkasama kami ni Kylie at sobrang sweet niya sa akin. Teka lang! Kaagad akong bumalikwas ng bangon nang maalala ko ang aking buong panaginip? Bakit gano’n? Pinagnanasahan ko ba siya? Naku, delikado na yata ako at mukhang kailangan ko ng dumistansiya mula sa babae. Tumayo ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Nakakatanggal kasi ng antok ang paghihilamos kaya nagmadali na akong magtungo sa banyo. Pagkatapos kong maghilamos, kinuha ko kaagad ang aking cellphone at bahagyang kumunot ang aking noo nang makita ang notification sa messenger. Bakit nag-message siya sa akin? Matagal na rin siyang hindi nagparamdam sa akin kaya nakapagtataka kung bakit nag-message siya.  Naisip ko na ignorahin na lang sana ang kanyang mensahe dahil hindi naman siguro importante iyon, pero makalipas ang ilang segundo ay binuksan ko rin ang kanyang mensahe. Nag-hi lang naman pala ang babae. Magkaklase kami dati ni Anna noong elementary pa kami ngunit nag-private school ang babae noong nasa high school na kaya bihira na lang kaming magkita. Although, may pagkakataon naman na magpang-abot kaming dalawa sa probinsya dahil magkapitbahay kami. Bumuntonghininga muna ako bago ako nag-type ng mensahe para sa kanya. Siguro kung hindi ko inamin sa kanya noon na crush ko siya, hindi sana ako mahihiya. Matagal na iyon kasi Grade six pa lang kami noong umamin ako, at umamin din naman siya na crush din daw niya ako. Pero masyado pa kaming mga bata kaya napagkasunduan namin na unahin muna ang pag-aaral. Noong nasa high school naman kami, pareho na kaming naging busy sa school, at medyo naging makulay din naman ang buhay ko sa high school dahil sa isang guro na type ko rin. Crush lang naman iyon at isa pa, hind ilang naman ako ang nagkagusto kay Ma’am Arlene, eh. Marami naman kami sa klase kaya okey lang iyon. “Seen lang?” Tanong ng babae sa chat kaya ilang beses akong kumurap dahil sa pagkagulat. Na-seen ko nga pala ang kanyang mensahe. “Sorry, mahina kasi ang net,” rason ko kung bakit delay ang aking response sa chat niya. “Kita tayo mamaya sa plaza,” sabi pa niya. Ano kaya ang sasabihin ko? Nag-alala ako na baka humantong sa hindi maganda kung makipagkita ako sa kanya. Sa loob ng ilang minuto ay hindi ko siya nireplyan at sa sobrang tagal kong nag-reply sa kanya, offline na ang babae nang maisipan kong mag-message sa kanya. “Hindi ako sigurado kung pupunta ako ng plaza eh,” sabi ko na lang ngunit biglang na-seen niya ang aking mensahe. Akala ko offline, parang nag-off lang yata ng status sa messenger ang babae. “Okay lang pero sana naman ay pupunta ka. I miss you,” sabi ni Anna.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD