NAPANGITI SIYA NANG makita mula sa himpapawid ang mga ginagawa sa dalampasigan ng Hotel De Astin. Inihahanda na ng mga tauhan ang gagamiting stage para sa kasal nila ni Sebastian. Tuloy na tuloy na nga ang kasal nila ni Sebastian. Sa Maynila na sila dumeretso kahapon ni Cedric pagkagaling ng Bohol dahil bumalik din ulit si Sebastian sa Maynila– na bumalik din agad kinagabihan. Nagpahuli pa rin siya dahil hinintay niya ang Tita Annastacia at Tito Gener niya. Gusto ng mga makita ang apo ng mga ito kay Kendra at syempre, para makausap si Kendra mismo. Inalalayan siya ni Cedric nang lumapag ang chopper na kinalulunanan nila. Siya ang pinakahuling bumaba. “Thank you,” aniya. “Basta ikaw, ma’am.” Naghiwalay sila ng landas ni Cedric at ng mag-asawa nang makarating sa loob. Ang mag-asawa,