“SIGURADO KA BANG sisiputin ako ni Nikki? What if tumakas siya? Ha?!” Tumaas na ang tinig niya dahil sa inis kay Cedric. Kakabalik lang nito sa kung saan kasi. Mabuti nandiyan si Jano para humalili dito. “Kakagaling ko lang doon boss. Hindi pa nga talaga tapos na ayusan si Ma’am. Imposibleng hindi ka siputin, mahal na mahal ka nga niya, e.” Napalunok siya sa narinig mula kay Cedric. Lagi siyang natitigilan kapag sinasabi nitong mahal siya ni Nikki. Parang may kung anong kaguluhan lagi sa loob ng katawan niya. Hindi niya alam kung kilig ba o kung ano man. Kahit hindi ang dalaga ang nagsasalita, pakiramdam niya si Nikki iyon at buong pusong nitong sinasabi iyon. And it makes him vulnerable. Para siyang nawawala sa sarili lagi pagdating sa dalaga. Sabay pa silang napatingin ni Cedric ka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books