"HOW IS HE?" "Ligtas na siya. Pero hindi pa rin nagigising. Nag-aalala na ako sa kan'ya," malungkot na sabi ni Nikki kay Kent. Kaagad bumiyahe pabalik ang mga ito mula sa Caramoan kasama ang mag-ina nito nang makarating ang balita tungkol sa nangyari kay Sebastian. Nakakahiya kay Kendra dahil buntis din ito. Pagkatapos ng kasiyahan sa bahay kasi ng mga ito ay bumalik din agad ang mga ito sa Caramoan. "Baka nakakalimutan mo kung gaano katapang 'yan si Sebastian. Lalaban 'yan. Si Sebastian pa ba?" Hindi inaalis ng pinsan ang ngiti sa labi kaya gumanti rin siya dito. "Sana nga, Kent," aniyang pilit ang ngiti. Napatitig sa kan'ya ang pinsan. Hinagod pa siya nito. "Ikaw, kumusta?" "I'm fine." Alanganin pa siyang ngumiti sa pinsan. "You're not. Magpahinga ka muna, kami muna ang magbab