“LET’S GO!” NAPALINGON sila parehas ni Diane nang marinig ang boses ni Hiraya, ang wedding planner niya. Ngumiti siya rito at tumango. Nang makalabas si Hiraya ay bumaling siya kay Diane. Ito na lang ang natira. Tatlo sila nila Maze ang nandito kanina habang nagbibihis siya. Ang mga ito ang tumulong sa kan’ya matapos siyang ayusan. Muli niyang tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Isang tulle deep v-neck neckline wedding gown ang suot niya ng mga sandaling iyon. Na tinternuhan ng makinang na hugis dyamante na hikaw. Nakalugay lang din ang mahaba niyang buhok na bumagay sa ayos ng make-up niya. Nagmukha rin siyang matangkad dahil sa suot. “Tara na. Baka naiinip na si Sebastian,” nakangiting untag sa kan’ya ni Diane. Tumingin siya sa kaibigan. Sobrang genuine ng mga ngiti nito.