NAPANGIWI SI NIKKI nang maramdaman ang kamay ni Sebastian na nakayakap sa kan’ya. Ang hita nito ay nakaangkla din. Napangiti siya ng mapakla. Woke up like this? Masaya sana kung totoo, noh? Ayaw na niyang paasahin ang sarili kay Sebastian. Muli niya itong tiningnan. Anong oras kaya ito dumating? Kinapa niya ang noo maging ang leeg kung may lagnat pa nang maalala ang nangyari kagabi. Buti na lang talaga humupa na. Hindi niya akalaing tataas pa ang lagnat niya ilang matapos ang hapunan niya. Nakaraming missed call na siya kay Sebastian pero hindi man lang nito sinagot. Gusto niya sanang humingi ng tulong pero wala ito. Hindi rin niya matawagan si Cedric dahil hindi niya alam temporary number nito. Nahirapan kasi siyang bumangon kagabi dahil sa sobrang lamig at panginginig. Kailangan ni