Medyo hirap na akong gumalaw-galaw dahil sa laki ng tiyan ko mabuti na lang ay palaging nakaalalay sa akin si Romanov. Mukhang hindi na nga ito nagtatrabaho sa opisina at sa bahay na lang nito ginagawa ang lahat para matutukan ako. Huminto na muna akong magtanong dito tungkol kay Angel. Sa ngayon ay napagpasyahan kong pagtiwalaan ito gaya ng gusto nitong mangyari. “Rune, I told you to call for me if you are going to do anything.” Nilingon ko ang lalaki na patakbong lumapit sa akin at kinuha agad ang hawak ko na water hose sa kamay. Nililibang ko ang sarili sa pagdidilig ng mga halaman sa garden dahil may kausap pa ito sa cellphone. “Ang OA mo naman. Hindi naman ako imbalido. Buntis lang ako. Tingnan mo nga at kompleto pa ang mga kamay at paa ko. Akin na.” Aagawin ko na sana ang hose p