8

2050 Words
"Cordata, ano ba ang gagawin ko? Paano kung palitan na niya ako? Paano na ang operasyon ni papa? Matutuloy pa ba iyon?" Nagpalakad-lakad ako sa loob ng condo habang tangan ang cellphone sa tenga. Nag-aalala ako sa maaring maging resulta ng mga sinabi ko. Nagagahan din ako sa sarili kung bakit ko pa sinabi ang mga iyon. Alam ko namang mahal na mahal ni Romanov ang asawa niya kaya kinakastigo ko ang utak kung bakit ko pa kasi sinabi ang mga iyon. "Gaga ka rin kasi. Si Mr. X na siguro na ang pinakagalante at pinakamadaling kausap na kliyente namin maliban na lang kung may nasabi kang hindi maganda sa kaniya. Magtatatak talaga iyon. Ikaw naman kasi, bakit mo naman naisingit pa iyon?" "Iyan din ang kanina ko pa tinatanong sa sarili ko. Oo na, ang tanga ko na kaya please Cordata, tulungan mo ako. Ano ba ang gagawin ko?" Umupo ako sa kama at pumikit. Ngayon pa nagsalimbayan sa utak ko ang maaring mangyari. "Sa tingin ko naman ay hindi ka agad na agad na bibitawan niya. Alam kong nakuha mo na agad ang buong atensiyon ni Mr. X nang makita ko kung paano niya titigan ang picture mo." Natigilan ako sa narinig nang may napagtanto. Biglang nawala sa isip ko ang mga nangyari. "Sandali, so alam mo na talagang hindi lang basta companionship ang hanap niya? Cordata, alam mo na sa simula pa lang na kasiping sa kama ang gusto niya?" Sumulak ang galit sa ulo ko dahil sa panloloko ng kaibigan. Narinig ko ang pagbuntunghininga nito sa kabilang linya. "Oo, alam ko. Hindi lang kita nasabihan dahil iyon ang bilin ni Mr. X. Siya na rin daw mismo ang kukumbinsi sa iyo mismo," paliwanag nito. "Pero sana binigyan mo naman ako ng ideya. Hindi iyong para akong kambing na natulala sa harap ng ihawan." "Wala nang punto pa para pag-usapan iyan ngayon, Rune. Nagdesisyon ka na at sinimulan ka na niyang tulungan kaya kung ako sa iyo, mas pagtutuunan ko ng pansin ang mga gagawin ko para hindi ako bitawan ni Mr. X." Natahimik ako. Tama na naman siya. Palagi na silang tama. "Tama ka Cordata. Tulungan mo na ako kasi hindi talaga naging maganda ang mga nangyari kanina." Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng mga detalye. Wala akong iniwan ni isa. Sa mga pagkakataong ito, alam kong si Cordata ang mas nakakaalam tungkol sa aspetong ito. "Rune naman! Sino ba naman kasi ang lalaking gaganahan kang kangkangin kung para kang bloke ng yelong nakahiga lang sa kama." Tuluyan na akong humiga sa kama at nagpakawala nang malalim na hininga. "Eh kasi nga first time ko. Wala akong alam na gawin at ni hindi ko siya kilala. Nag-try akong mag-search sa Google ng tungkol sa kaniya pero nanliit lang ako sa mga nabasa. Ang ganda ng asawa niya Cordata at isang bilyonaryo si Mr. X. Nakakapanghina at nakakahiya." Totoo iyon. Ninerbiyos ako ng todo sa mga nalamang bagong impormasyon sa mag-asawa. Nakakababa ng pagkatao ang yaman at kasikatan nilang dalawa. "Gaga ka talaga kahit kailan, Rune. May oras ka pang isipin iyan kaysa sa dapat na gawin mo? Hay naku kang babae ka! Isipin mo nga, hindi gagastos ng milyon yang si Mr. X at gagamit ng koneksiyon para makuha ka lang kung walang malaking problema silang dalawa ng asawa niya. Alam mo, isa sa pinakamahalagang natutunan ko tungkol sa mga lalake sa industriyang ito, napakagaling nilang mambola. Ang tamis ng kanilang mga salita. Iyong sinasabi nilang mahal na mahal nila ang asawa nila ay isang malaking kalokohan. Pinaglalaruan nila ang utak mo. Hindi porket binabayaran ka nila ay dapat mo na rin silang paniwalaan." Napabangon ako bigla sa sinabi nito. "Ibig sabihin nagsisinungaling sa akin si Mr. X?" Ipinilig ko ang ulo. "Wala akong pakialam doon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mapaghandaan ko ang muling pagkikita namin. Dapat... Dapat matuloy na talaga. Dapat masiyahan siya. Ma-satisfy siya para sulit ang magiging bayad niya sa akin, Cordata." Tumawa ang babae sa linya bago niya ako minura. "Tangina, Rune. Sa ating dalawa, ikaw ang nasa kolehiyo kaya ikaw ang mas may alam dapat sa atin pero alam ko ring ilag ka sa mga lalaki kaya ganito ka. Iyon na nga, dapat mag-relax ka kapag ginagawa niyo na. Isipin mo na na lang na siya iyong crush na crush mo na celebrity. Mag-imagine ka ng mga nakakabasang mga eksena tampok si Mr. X. Kapag hinalikan ka niya ay tumugon ka. Kapag hinagod ka, umungol ka. Suggest ko ring uminom ka ng pampakalma o alak bago kayo magkita. Simulan mo na ngayon. Manood ka ng porn diyan at isipin mong ginagawa niyo iyan ni Mr. X. At Rune, guwapo siya na lalake. Matipuno ang pangangatawan. Isantabi mo na muna kasi ang konsensiya mo. Hindi niyan mareresolba ang problema mo sa pera." Matapos na ibaba ni Cordata ang cellphone ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Saka na muna ako mag-iinarte kapag nagtagumpay na akong mapapasok si Romanov sa akin. Hinayaan ko ang sariling mag-isip para mahanda ako sa mga gagawin ko. Desidido na ako. Huhubarin ko ang dating inosenteng si Rune. Bumangon ako at pinalitan ang simpleng t-shirt at shorts ng isang nightie. Hinubad ko rin ang panty at inilugay ang buhok. Kumuha rin ako ng alak mula sa ref na pinuno ng groceries ni Angel. Mga pagkain na hindi ko alam na nag-e-exist pero masarap naman in fairness. "Ay! Ang pait!" Muntik na akong masuka sa lasa ng unang bote na kinuha kaya pinalitan ko ito ng mas mababang alcohol content. Saka ako bumalik sa kama at kinuha ang latest na Iphone at nagpunta sa isang porn site. Nanginginig pa ang kamay ko kaya uminom uli ako sa bote at sinampal ang mga pisngi. "Ano ba, Rune. Bente dos anyos ka na. Ano ba ang masama kung manonood ka nito. Matanda ka na ano ba. Hindi ka na teenager. Halos lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo ay nanonood nito. Hindi ka naman bibitayin kung mahuhuli ka at hindi ka mahuhuli dahil nag-iisa ka lang rito!" Isa pang pagkausap sa sarili na parang baliw ay pinindot ko na ang unang video na bumungad. "Woah! Ano iyon?!" Agad kong isinarado ang tab nang magulat ako sa nakita at medyo kinilabutan. May babaeng nakabukaka, kitang-kita ang mamula-mulang laman at malagkit na nakatingin sa lalaking ngingudngod ang kaselanan nito sa tenga ng babae. "Ayoko na. Isang malaking pagkakamali ito." Dinelete ko ang search history at isinuot pabalik ang panty. Pinatay ko ang ilaw at patihayang humiga sa kama. Sa pagpikit ko ay sumagi ang imahe ni Romanov. Nang halikan niya ako kanina ay wala akong naramdaman na pandidiri. Hindi naman kasi ito nagpakita ng pagiging hayok na palagi kong nababasa sa mga mata ng mga lalaking nakikilala ko. Mabango rin ito, maganda ang pangangatawan, at puno ng ubod ng confidendece. Sa tayo pa lang nito at pananalita ay masasabi mong edukado at may kakayanan. Bilyonaryo rin ang lalaki. Nagustuhan ko rin ang mga ginawa niya sa akin. Na-arouse ako. Kung wala lang talaga siyang asawa ay baka hindi pa ako nakakauwi ngayon. "Kaya dapat alisin ko sa ulo ko na may asawa siya. Dapat siya lang ang iisipin ko at wala nang iba pa." Pinaraanan ko ng daliri ang leeg ko pababa sa dibdib ko patungo sa tiyan. Mga parte ng katawan ko na hinalikan niya kanina. Nilaro ko rin ang mga u***g habang patuloy na itinatak sa utak ang guwapong mukha ni Romanov, ang hubad na katawan nito at kung paano nito sambahin ang katawan ko. Inulit-ulit ko ang ginagawa hanggang sa makaramdam ako ng likido sa ibaba ko. Tuluyan ko nang hinubad ang nightie at ibinaba ang kamay patungo sa p********e. Nagulat pa ako nang masalat ang sobrang pagkabasa nito na ikinalat ko sa magkabilang pisngi nito. Inipit ko ang daliri gamit ang mga hita at ipinagpatuloy ang ginagawa. Napapaungol na ako nang hindi ko namamalayan. May namumuong pawis na rin sa noo ko na hindi nagawang maapula ng malamig na aircon. "Oh," ungol ko uli nang sinubukan kong ipasok ang isang daliri sa bukana ko. Naalala ko ang ginawa ni Romanov sa akin kaya mas ginanahan pa ako. Ibinalik ko ang isang palad sa dibdib at patuloy na nilapirot ito habang ang panggitnang daliri ay nakapasak sa loob ng p********e ko. Mariin na akong nakapikit, nakabuka ang mga labi, at sumasayaw sa ritmo ng kanta na ako ang may gawa. Kinagat ko ang labi ng mas nakapasok pa ang daliri ko sa loob. Napakaingay ko na rin na inuungol ang pangalan ni Romanov. "Romanov..." Iniisip kong ang daliri niya ang nasa loob ko. Hinahalikan niya ang dibdib ko, pinapaligaya niya ako hanggang sa... Nanginig ang katawan ko kasabay ng pag-agas ng kung anong malapot palabas sa akin. Hinihingal na ibinalot ko ang sarili ng kumot at nababaghang tumitig sa kawalan. So iyon pala iyon. Iyon ang sinasabi ni Romanov. Nakakarelax na nakakapagod. Parang pakiramdam mo nasa isang mataas ka na gusali. Papataas ka ng papataas na parang may gusto kang abutin at kapag napasaiyo na ay bubulusok ka rin paibaba. Nakatulog na ako sa isiping iyon. Kinabukasan ay napansin kong parang may nag-iba sa akin. Hindi ko masyadong maipaliwanag basta alam kong may kakaiba na sa akin. Nagpasya akong bumaba sa cafe na nasa ground floor ng building para umorder ng makakain. Takot akong magluto lalo pa at hindi pa ako nakakapag-search paano gamitin ang technology sa unit. Tinapos ko muna ang pangungumusta sa mga kapatid at sa ama bago umalis. Kinukulit na rin nila ako kung kailan ba ako makakadalaw sa ospital. Sa elevator ay may mga nakasabay akong dalawang babae na masasabi mo talagang nabibilang sa atla-sosyedad. Mga nasa early 30's at nakapang-jogging outfit. "I heard someone moved in the 23rd floor. Kolehiyala. You know Mr. Kohaitra? His new flavor of the month," tsismis ng blonde na babae sa napakalamyos na boses. Napalunok ako at biglang naging uneasy sa kinatatayuan. "Really, Demi? Oh! The nerve! Hindi ko na nagugustuhan ang reputation ng condo na ito. It reeks of those gold digging mistresses. Ang kakapal talaga ng mga mukha," komento naman ng isa pa. Umatras ako ng ilang hakbang at sumandal. Nagbaba rin ako ng tingin. "I don't know what goes inside their heads. Hindi ba sila nandidiri? Some mistresses who live here can be practically young enough to be the man's daughter. I mean, where's their moral?" Nilunok ko ang bara sa lalamunan nang matamaan ako. Kagabi nga lang ay pinangako kong isasantabi muna ang konsensiya. Oo nga naman, nasaan na kaya ang moral ko? "They will do everything for money, Loise. Money is the key." Noon pa lang ako napansin ng blonde na babae na tinaasan ako ng kilay. "You're new here?" tanong nito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Oo," tipid niyang sagot. "From what floor?" singit ng isa pa. "40th." Mas tumaas pa ang kaninang nakataas na kilay ng blondeng babae. "Oh. You must be loaded. Bibihira lang ang nakakabili ng mga units sa floor na iyan. May I know what do you do?" Magalang ko silang nginitian pero sa loob ko ay busy na akong maghanap ng profession na pwedeng gawing alibi. "Stocks. Crypto." "Impressive. I heard it's a new thing in town. I'm interested. Can I knock on your door some time to consult you?" Mas mabilis akong umiling sa pagkakataong iyon. "Sorry but I'm too busy right now. Excuse me." Nauna na akong lumabas sa elevator nang may pumasok na mga bagong sakay. Mali ang desisyon kong bumaba pa at baka may makasalamuha na naman akong kagaya nila. Sapat na para sa akin na mainsulto ng sarili. Saka ko na tatanggapin ang mga panghuhusga nila kung ligtas na ang ama ko. Bumalik ako sa loob ng unit at nagkasya na lang sa instant na kape at tinapay. Mamaya ay matatanggap ko na ang schedule sa klase ko. Pinili ni Romanov na gawing online ang set-up ng class ko. Risky naman kasi kung papasok talaga ako sa mismong eskwelahan na pinasukan ng asawa nito kung saan isa rin itong board member. Nalaman ko ang lahat ng mga iyon sa pagbabasa ng mga articles online. Umilaw ang cellphone ko sa mesa. Pumatak ang mensahe na nakapagpakabog na naman ng puso ko. "Let's meet tomorrow. Same time. Same place."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD