Four years after “Rune!” Nakangiting nilingon ko ang tumawag na si Claire. Tumigil ako sa paglalakad sa hallway at hinintay ito na makalapit. Umagapay naman ito sa akin kaya magkasama na kaming naglakad patungo sa sakayan ng tricycle sa labas ng elementary school na pinagtuturuan naming dalawa. “Rune naman! Sige na, pagbigyan mo na ako. Isang beses lang naman ito. Promise. Sige na. Pumayag ka na, please. Kailangan ko lang talagang makapunta.” “Eh ‘di pumunta ka. Go. Walang pumipigil sa iyo.” Siniko niya ako sa tagiliran. “Rune naman! Alam mo naman na hindi ako makakapasok kung hindi ka pupunta. Please naman, o. Kahit umalis ka rin kaagad. Basta makapasok lang ako.” Pinahinto niya ako sa paglalakad at hinawakan ang mukha ko. “Friend, please. First time ko naman itong humingi ng favor s