bc

Where the Heart Simmered

book_age16+
10
FOLLOW
1K
READ
family
HE
fated
decisive
boss
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Zayden Axl Fernandez, a professional chef who owns a chain of restaurants, burnt out by city life, retreats to the countryside to have peace and unwind, and also to search for silence and forgotten flavors. But when he arrived at the apartment, it was already occupied, and he didn’t expect that her roommate was a woman — Luna Velasco, a children’s book illustrator who can’t cook without setting off the fire alarm.

Kahit gustuhin man nilang hindi magsama sa iisang bubong, kailangan dahil wala ng ibang apartment na marentahan dahil na rin sa may ganap na local festival ang probinsiya at puno na ang mga ibang paupahan. Sa loob ng isang buwan na pananatili nila sa isang apartment, walang araw na hindi sila nagtatalo, lalo na sa kusina.

Pero habang magkasama sila sa kusina at nagtatalo, hindi nila namalayan na nagkaroon sila ng pagtingin sa isa’t-isa. They created a connection as warm and nourishing as comfort food, and as unpredictable as a new story waiting to be illustrated in life.

In the house where, with every shared meal, Zayden and Luna find comfort with each other. A romance that simmers sweet and slow, like the best kind of love, despite the pain, cries, and unhappy moments that happened. They have discovered that love — like the best recipes — takes time, patience, and a little bit of mess.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ZAYDEN stepped out of his car and looked at the scenery in front of him. He’d been driving for almost six hours. Umalis siya sa syudad ng ala una ng madaling araw at nakarating siya sa probinsiya ng umaga na. Kasalukuyang sumisikat na ang araw. The countryside stretched out like a living painting, wide, open, and bathed in gentle sunlight. Kahit malayo sa kinaroroonan niya ang mga bundok, kitang-kita niya ang pagkaberde ng mga ito. And from where he was, clusters of trees bordered the horizon, their leaves whispering secrets with each blow of wind. The countryside was far from the rust city life. It was vast, quiet, but unfamiliar to him. However, the good thing was, he could relax. No one knew him here. No deadlines, no meetings, no pressure. Just open air, wind, and whatever ghosts the land chose to remember. Sa wakas, ramdam na niya ang kalikasan. Iba kasi ang mayroon siya sa syudad. Maingay na paligid at polusyon dahil sa mga sasakyan. There was a stillness in the countryside and hopes that he would enjoy his stay. Huminga ng malalim si Zayden at gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang labi. Muli siyang pumasok sa kaniyang sasakyan at nang mapadaan siya sa isang coffee shop, iginilid niya ang sasakyan saka bumaba. Pumasok siya sa loob ng coffee shop pero may nakabangga siya sa may pintuan. “Sorry.” They both said, as Zayden helped the woman to pick up the pencil she had dropped, and gave it to her. “Thanks.” And the woman left. Sinundan ni Zayden ng tingin ang babae. She was holding a tablet, sketch pad in her right hand and coffee in her left hand. Napailing na lamang siya nang marealized niya na nakatingin siya sa babae ng wala namang dahilan. Basta gusto niya lamang itong tignan. Zayden bought coffee and bread. He finished his coffee with bread before he went to the apartment he had booked. Nang makalabas siya ng coffee shop, napansin niya ang mga banderitas na naka-hang sa itaas ng kalsada. “May ganap ba?” tanong ni Zayden sa sarili. Pumasok siya sa kotse saka tinungo ang address kung nasaan ang apartment na pina-booked niya. Pagdating niya doon, tinawagan niya ang landlord upang ipaalam na dumating na siya. Dumating naman ang landlord at mukhang nagulat pa ito ng makita siya. “Akala ko babae ka?” Napatanga naman si Zayden. “Ho?” Nagulat siya. Umiling ang landlord saka inanyayahan siyang pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok nila sa loob, nagulat si Zayden nang may makita siyang babae na nakaupo sa maliit na living room ng apartment at kasalukuyan itong nagkakape. At kung tama ang pagkakaalala niya, ito ang babaeng nakabangga niya kanina sa coffee shop. “Luna, anak, nandito na ang makakasama mo sa apartment.” Luna looked at the landlord. “Akala ko po babae ang makakasama ko dito sa apartment?” Aniya. Danilo, the landlord of the apartment they both booked, shook his head. “Akala ko rin, eh.” “Teka po. May makakasama po ako sa apartment na ‘to?” tanong naman ni Zayden sa landlord. Tumango ang landlord. “Dalawa ang kwarto kaya malamang dalawa kayo.” “I can pay for the other room.” Sabi ni Zayden. Ayaw niyang may kasama sa apartment. Kung ayaw ni Zayden na may kasama sa apartment, mas lalong ayaw naman ni Luna lalo na at lalaki ang kasama niya. Malay ba niya kung masamang tao pala ito. “I can pay too.” Sabi naman ni Luna. “Bahala na kayong mag-usap,” sabi ni Danilo. “May importante pa akong gagawin. Pero sinasabi ko sa inyo. Festival ngayon ng lugar namin kaya halos puno na ang mga ibang paupahan.” Aniya saka umalis na. Nagkatinginan naman si Zayden at Luna. Zayden blinked. “Uh…excuse me?” Luna pointed to the man using her pencil. “I won’t leave this place,” Aniya sa maydiing boses. “I had already unpacked my clothes, and there was no way I could pack and leave. Narinig mo naman festival sa lugar na ‘to kaya halos puno ang ibang paupahan.” “Uh…yeah.” Hindi alam ni Zayden kung ano ba ang sasabihin niya. Kumunot ang noo ni Luna kapagkuwan. “Are you Zane or Zayden Fernandez?” she asked. Zayden frowned. “I’m Zayden Axl Fernandez,” he introduced himself. The Zane Fernandez that the woman was talking about was his twin brother. Luna groaned, dragging a hand down her face. “I’m Luna Velasco. I booked this place, too. For the festival. One month.” Tumaas ang isang kilay ni Zayden. “I booked it for a month too.” Napabuntong hininga si Luna. “So, what do we do?” she asked Zayden. Napakamot naman ng batok si Zayden. “I agreed to have a roommate because I thought you were a girl.” “Hey.” Zayden complaint. Nagkibit ng balikat si Luna. “You can’t blame me alone. Ang Landlord ang nagsabi na babae ka. Wala ba siyang sinabi na may makakasama ka?” “Wala.” Sagot ni Zayden. Zayden stood awkwardly. Hindi niya alam kung dapat ba siyang manatili sa apartment na ‘yon. Pero nakapagbayad na siya at baka wala na rin siyang marentahan kapag umalis na siya rito. Komportable naman na nakaupo si Luna sa sofa habang hinihintay na magsalita ulit si Zayden. Nang hindi siya makatiis dahil hindi naman na ito umiimik siya na ang tumibag sa katahimikan. Luna cleared her throat. “I came from Quezon City with two suitcases, a sketching pad, and zero cooking skills. Sa totoo lang ayaw ko na may kasama akong sa apartment lalo na kung lalaki. Pero hindi ako aalis rito.” “Hindi rin ako aalis rito.” Sabi ni Zayden. Luna snorted. “You think I wanted to end up here sharing a place with a stranger? Hell no.” Zayden sighed. “I came from Makati. I have a suitcase full of knives.” Kumunot ang noo ni Luna. Kung tama ang pagkakaalala niya. Zayden Fernandez is a chef kaya malamang may mga dala itong kutsilyo. “I don’t care,” said Luna. “Feel free to leave if you want, and feel free to go to your room on the left side because I've already occupied the right room. Bahala ka na. And don’t think of paying me for the rent because you’re rich, I won’t accept it. I’ve already unpacked, and if you think I’m repacking tonight, that won’t happen.” Zayden sighed as he looked around. On the sofa, there was a plate of bread, stacks of children’s books, and there was a mug of coffee at the center table that he assumed was the coffee she bought at the coffee shop earlier. Luna was definitely not leaving tonight. Ganun din naman siya. Zayden exhaled. “One month?” Luna raised her pinky finger. “One month.” Zayden hooked his pinky around hers. “Fine.” Ibinaba ni Zayden ang bag sa tabi ng pintuan. “Ground rules?” “Malamang,” sabi naman ni Zayden. “One—I cook. Always.” Luna rolled her eyes. Zayden Fernandez is a well-known chef in the city. May-ari rin ito ng chain of Leaf & Flame Restaurant na maraming branch sa syudad. Kaya hindi na siya nagtataka na ito ang magluluto. “Fine,” Luna said, “hindi ako makikialam sa kusina. Unless it’s my coffee and bread.” “Three,” Zayden added, eyeing the colored pencils on the table. “I got half the table. I need space to write recipes.” Tumango si Luna. “It's fine with me. At makikihati ako sa mga gastusin sa kusina. I don’t cook, and I don’t know how to cook.” “Deal.” They shook hands. Well, sort of. Then Luna smiled—bright and unpredictable. Iyong klase ng ngiti na nagpapakaba sa payapa mong pag-iisip. “This is going to be interesting,” Luna said, reaching for her sketchpad and cleaning half of the table for her roommate. Luna spent the whole day sketching and coloring the drawings on her tablet. She’s a children’s book illustrator. It is her passion. Pumunta siya sa probinsiya dahil sa festival at para na rin makapag-unwind. Masyado siyang pressure at stress sa syudad lalo na kung kasama niya ang pamilya niya. Kahit isang buwan lang na maging tahimik ang buhay niya. Okay na siya doon. Saka na niya isipin ang mga dapat niyang isipin pagkatapos ng isang buwan at pagbalik niya sa syudad. Sa ngayon gusto niya lamang mag-relax at makapag-isip ng mabuti. She’s hoping. Pero sa tingin niya ay hindi mangyayari ‘yon dahil sa roommate niya. Luna narrowed her eyes at the room’s door on the right side. Umaasa siya na mabuting tao ito. Sa panahon kasi ngayon, ang hirap ng magtiwala sa mga tao. Sana lang hindi ito gagawa ng masama. Kung buong maghapon na nagtrabaho si Luna. Buong maghapon naman na natulog si Zayden. Dahil na rin siguro sa pagod, hindi namalayan ni Luna na nakatulog siya sa may sofa. At ‘yon ang nakita ni Zayden nang lumabas siya ng kwarto. Napailing na lamang si Zayden nang makita ang nagkalat na color pencil, at sketch pad sa may sofa at lamesa. Dumiretso siya sa may kusina upang magluto. May mga nakita naman siya sa loob ng ref na pwedeng iluto. Siguro mamalengke na lamang siya bukas. And he was hoping that no one would mess with him in the kitchen—yes, he was talking about her roommate. Halata kasi sa hitsura nito na wala itong inaatrasan. Sana naman huwag silang magtalo lalo na sa kusina. After all, the kitchen was his comfort.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Shifted Fate

read
641.3K
bc

Chosen, just to be Rejected

read
133.6K
bc

Corazón oscuro: Estefano

read
903.1K
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
138.3K
bc

The Biker's True Love: Lords Of Chaos

read
304.7K
bc

The Pack's Doctor

read
666.5K
bc

MARDİN ÇİÇEĞİ [+21]

read
779.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook