48 “SEÑORITO, a package came for you.” Ani Rosario kay Hendrick nang pumasok ang kasambahay sa kwarto niya na walang katok o anuman. Nagbibihis siya para sunduin si Macy sa airport dahil sa sobrang puyat niya kagabi dahil halos alas onse na niya inuwi ang girlfriend niya ay hindi siya nagising ng maaga para ihatid iyon pagpasok. Nagising na lang siya na may isang text message sa cellphone niya na, labidoo boyfie ko. C u later, hansum alligater. Tumakas iyon sa ika-pitong pagkakataon sa sesyon ng dalawa ni Henry at sa kanya na lang nagpapaturo ng management. Wala namang magawa si Emmanuel at pailing-iling na lang sa ginagawa ng panganay na anak na mas makulit pa sa pangalawang anak na si Angelica. And that girl is a bit responsible now. Manaka-nakang napapamasid iyon kay Macy at paminsan