50 “All clear, sir. A plane had an emergency landing here one hour, fifteen minutes ago but all the passengers were ordered to board another plane.” “Anyone who’s left?” “I believe that the daughter of Mister Nuñez and one of the pilots. Ipasusundo raw sa adviser ang bata…” MALALAKI ang hakbang ni Hendrick papunta sa isang pribadong silid na pinagdalhan daw kay Macy. Hindi na makahabol si Rosalinda sa kanya dahil sa sobrang excitement niya na makita ang girlfriend niyang nanakawin na niya at hindi na hahayaan na masundo pa ni Henry. He felt so relieved and so happy. Tumigil na rin sa pag-atungal si Rosalinda at nakangisi na ang babae habang pasunod-sunod sa kanya. Bitbit niya naman ang kayamanan niya na nasa loob ng envelope na kahit nagpapalipad siya ng eroplano ay kalong niya na par