TEASER
NAPA-IGTAD kami sa takot nang bumukas ang pintuan ng kuwarto. Tumagos ang liwanag mula sa labas, hinulma ang uwang ng pinto. Damang-dama ko ang bawat pintig ng puso ko nang sumulpot ang lalakeng naka-guhit ang mala-demonyong ngisi sa mga labi.
Suminghap kaming lahat. Binuksan n’ya ang ilaw ng kapit n’yang flashlight at dahan-dahang inikot sa bawat sulok ng silid. Naiilawan ang mga kasamahan kong mga kababaihan na nanginginig. Kabado ang lahat habang namimili ang lalake kung sino naman sa amin ang pipilahan ng mga demonyo.
Pilit kong sinisiksik ang sarili ko sa sulok at nagtatago sa likod ni Aling Martina pero nahinto ang pag-hinga ko nang tumigil ang flashlight sa aming kinaroroonan.
Naka-tutok dito ang liwanag na na ikinatigil ng pag-kabog ng dibdib ko. Nagsilayuan ang mga kapwa ko babae nang humakbang na papasok ang lalake at bumagal ang aking hininga nang mapansing patungo nga s’ya kung saan kami naka-puwesto ni Aling Martina.
Doon na bumilis ang pintig ng puso ko at huminto nga ang lalake sa aming harapan. "R-Rosetta!” mahinang hiyaw ni Aling Martina. Lumak! ang mga mata ko. Marahas na kinapitan ang mahaba kong buhok sa likod ng ulo at puwersadong inangat ng lalakeng 'to.
Pigil-hinginga ang lahat. Tinutok sa mukha ko ang flashlight at mas lalong napa-ng!si ang lalake nang masilayan ang mukha ko. “Napakaganda mo naman… bakit ngayon lang kita nakita?”
Nangatog ang leeg ko. “’W-Wag po—“ Marahas na akong kinaladkad palabas habang nagsisimula nang magiyakan ang mga katribo kong mga babae.
“Huwag! Anak ko ‘yan! ‘Wag n’yong pakealamanan si Rosetta!”
Bago pa kami naka-labas sa madilim na silid, narinig ko ang boses ng tatay ko at ang mabibilis na mga yabag. “Para lang sa pinuno ninyo ang anak ko! Kung malaman n’yang ginalaw n’yo si Rosetta, bahala kayo!” Doon binitawan ng lalake ang pagkakagapos n’ya sa anit ko at gumapang ako pabalik kay Aling Martina. “Mamili ka na lang ng ibang babae!” Pumikit ako ng mariin nang umugong ang mahihinang iyak at pag-hikbi ng mga kasama ko.
Nagbubuhat ng sariling bangko itong ama ko. Naging sunod-sunuran sa masasamang loob na bigla na lang lumusob sa nayon namin noong nakarang linggo. Maraming namatay na mga katribo namin lalo na ang mga kalalakihan. Hindi ko rin mabilang kung ilang kababaihan ang mga pinagsamantalahan. “Huwag! Parang awa mo na po! Ayoko! Bitawan mo ako!” Dumausdos ang mga butil ng mga lula ko pababa sa humahapdi kong mga mata nang marinig na may hinilang babe ang demonyong band!do.
Sila ang mga taong nangunguha ng mga kalalalikan sa mga bayan at maliliit na nayon para gawing miyembro ng kanilang hukbo, habang ang mga babae naman, ginagawa nilang parausan.
Rinig na rinig namin ang mga s!gaw ng katribo naming babaeng kinakaladlad ng demonyo palayo sa silid na ‘to. Napa-hawak ako sa dibdib ko na parang pinipiga. “Makinig kayong lahat…” Boses ni Tatay. S’ya lang naman ang pinuno ng tribo namin. “Darating na ang tulong galing sa isang organisasyon… Konting tiis lang at parating na sila!” Walang sumagot ni isa sa amin. Ilang beses na n’yang sinabi ‘yan pero hanggang ngayon, wala pa rin ang tulong na tinutukoy n’ya.
Nilisan ni tatay ang silid. Naka-hinga kami ng maluwag dahil hindi kami ang napili para gasahain pero naaawa kami sa kasama naming natangay ngayong gabi.
Pero sa kalagitnaan ng aming pagpapahinga, narinig na lang namin ang sunod-sunod na putok ng baril. Nagulantang ang lahat. Hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa labas nitong kulungan at wala kaming masilipan. Nagsidapa kaming lahat para hindi matamaan ng ligaw na mga bala. Umuugong ang mga putukan at sigawan ng mga bandido. Namimingi kami sa mga pag-sabog. Takot na takot na baka matamaan kami ng ginagamit nilang mga armas.
Ilang oras kaming nanginginig.
“Hold your fire!”
Nang umugong ang malakas na boses na iyan, tumigil ang mga putukan. “Secure the refugees!” Sinundan ng mga mabibigat na mga yabag at may sapilitan na binaklas ang naka-saradong pinto. Nailawan kami ng mga ilaw na naka-kabit sa hawak-hawak nilang mga baril. “It’s okay, all of you are safe now… Maaari na kayong lumabas.” Iyan ang inusal ng isang lalake.
“There are plenty of young women and children here.”
“Yeah but I found some dead bodies of women in nearby lake… how inhumane… Let’s torture the mastermind after this.” ‘Yan ang naririnig kong mga usapan ng mga lalakeng naka-unipormeng pangsundalo.
Naguguluhan pa kami kung ano ang nangyayari pero nang marinig ko sa labas ang nangingibabaw na boses ng tatay kong walang humpay na nagpapasalamat, mukhang ito ang sinasabi n’yang organisasyon na hiningan n’ya ng tulong.
Pinalabas kami sa kulungan.
Nang bumukas ang ilaw sa mga poste rito sa malawak na ground, doon sinalubong ng mga kaanak ang kanilang mga pamilya. Pinalabas kaming lahat sa mga silid kung saan kami kinulong. Nagiiyakan ang mga katribo ko. Naka-tayo lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan silang lahat. Binigyan pa kami ng maiinom at makakain ng mga sumagip sa amin.
Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako kumbinsido dahil puro mga lalake rin itong tumulong sa ‘min at hindi ko alam kung makapagtiwalaan.
Lutang pa ang isip ko sa mga pangyayari.
Pag-sapit ng umaga, tumulong ako para ilibing ang mga naagnas na mga bangkay ng aming katribo at kinagabihan…
“Rosetta.” Napa-lingon ako nang tinawag ni tatay ang pangalan ko.
Kasama n’ya si Nanay. “Sumama ka sa ‘kin,” utos n’ya.
Sinundan ko silang dalawa at parang patungo kami sa malaking bahay na isa sa mga lungga nitong mga bandido noon na ginawang hideout ng mga sundalo ngayon.
“’Tay, ano ang gagawin natin dito?”
Humarap sa ‘kin si Tatay at kinapitan ang braso ko.
“Rosetta, kinakailangan mong pagsilbihan ang pinuno ng organisasyon na tumulong sa ‘tin.” Lumaki ang mga mata ko at binawi ko agad ang braso ko pero dinakip ulit ni tatay.
“A-Ano ang ibig sabihin nito?! Anong pagsisilbihan?!”
Pinandilatan ako ng mga mata. “Pasalamat ka na lang at hindi ka ginahasa ng mga bandido! Hindi na masama kung ialay mo ang sarili mo sa boss! Kailangan ng babae ni Boss Darion ngayong gabi! Dadalhin kita sa kuwarto n’ya ngayon din!”