Ako at si Prinsipe Yago AiTenshi Part 25 "Alam mo ba inggit na inggit yung mga kklase kong lalaki noong makita ang kasweetan mo. Sabi nila ay mag hahanap rin daw sila ng asawang kagaya mo." ang wika ni Yago noong nakasakay kami sa kanyang sasakyan. Natawa ako. "Mababait yung mga kaklase mo at hindi sila mayayabang. At mabuti nalang dahil wala ka nang klase maaari tayong dumaan doon sa bagong tayong plaza. Okay lang ba?" tanong ko. "Masyadong public area yata iyon." "Ayos lang naman diba? Saka kaharian niyo naman ito, matutuwa sila kapag nakita nila na dumalaw si Prinsipe Yago sa kanila, sa hindi inaasahang sandali." "Kung gayon ay dumaan tayo. Gusto ko rin maranasan ang tumuntong sa plaza. Noong bata ako ay inaaya ko si papa sa bagong tayong plaza malapit sa palasyo pero hindi si