SIRENA
ENRIKKO'S POV
"f**k!" I cursed desperately when my car stopped in the middle of the road. Inis na napahagod pa ako sa aking buhok habang marahas na nagpapakawala ng ilan pang sunod-sunod na malulutong na mura.
“Kung bakit naman kasi ngayon ka pa sinumpong ng sakit mo? At kung bakit kasi ikaw pa ang sasakyan na dinala ko sa dami ng sasakyan mayroon ako?” Himutok ko na parang baliw na kausap ang walang buhay na sasakyan.
As if it will answer me back. At kung sinagot naman ako nito, hindi ba ako matatakot at tatakbo palabas sa sobrang gulat dahil bigla itong nagsalita?
Napapailing na nagbuga ako ng marahas na hininga. Naisip ko pa ito sa lagay na ito?
Am I out of my mind?
It's impossible!
Tsk!
Dapat tinantiya ko muna kung hanggang saan ako dadalhin ng sasakyang ito. Dapat alam ko kung hanggang saan ang kaya nito.
This car is already twenty-three years old. Ilang beses na itong tumirik, ilang beses na ring na-repair ang makina para lang ma-restore at magamit. Kung bakit naman kasi pinagtyatiyagaan ko pa ring sakyan hanggang ngayon?
Dapat itinago ko na lang ito sa garahe where in it belongs. Para hindi ako napeperwisyo ng ganito kapag may biglaan akong lakad. Lalo na malayo at walang kasiguruhan kung titirik ba ito o hindi. Pero hindi ko magawa, parang nalulungkot ako kapag hindi ako sakay ng sasakyan na ito.
Actually, it's the sentimental value why I still keep, value, and still love using this old model even though it gave me so much headache too.
Regalo ito ng lola ko noong ikalabing-walong kaarawan ko. Dalawampu’t tatlong taon na ito sa akin and still I am using it kahit ilang beses na akong tinirik.
Kapag kasi sakay ako ng sasakyan na ito ay parang pakiramdam ko dinadala ako sa kabataan ko. Na para bang kahapon lang ay buhay ang lola ko at madalas pa rin kaming pumunta sa mga lugar na paborito niya gamit ang sasakyan na ito.
I miss her so much. Iyong mga lakad namin na biglaan tapos kaming dalawa lang ang magkasama. Tapos mamaya ay tatawag si Mama na naghihisterya dahil wala kaming kasamang driver at bodyguard.
“Matthew Enrikko Salvador?! Where the hell are you and Mama?!” galit na bungad ni Mama sa kabilang linya na madalas mangyari kapag umaalis kami ni lola ng walang paalam.
I will just laugh and calm her. Promising to her that I and lola Enrikketa are safe.
"Ma, relax. Chill, okay?"
"Umuwi na kayo ng lola mo bago pa ako atakihin sa pag-aalala sa inyo."
"Okay, Ma."
I miss those memories.
Ako kasi ang paboritong apo ni lola, siguro dahil ako ang una niyang apo kaya mas malapit siya sa akin kaysa kina Henrietta at Marionette. Idagdag pa na nag-iisa akong lalaki kaya naman mas malapit siya sa akin.
I smiled sadly with that thought. Mas lalo kong na-miss si Lola Enriketta. Parang gusto kong bumwelta pabalik at dalawin na lang siya sa sementeryo kaysa ma-boring lang sa party na ewan ko kung makakatagal ako ng isang oras.
Pero paano ko iyon gagawin?
Napatingin ako sa aking sasakyan at ilang beses pang nagpakawala ng isang malalim na paghinga.
Dapat sinunod ko na lang ang bilin ni Papa nang nakaraan. Nagdala sana ako ng driver at bodyguards. Just in case lang na magkaroon ng senaryong ganito at least makakalipat agad ako ng sasakyan.
Pero matigas ang ulo ko, sa kagustuhan kong mapag-isa sa biyahe. Hindi ko na naisip na baka bumigay ang makina ng sasakyan ko sa layo ng lugar na pupuntahan ko. Hindi ko na rin naisip ang panganib na madalas nilang ipaalala kapag mag-isa ako. Kampante kasi ako na safe ako palagi lalo na at wala naman nagtangka sa buhay ko kahit kailan.
Sina Papa at Mama lang naman ang masyadong advance mag-isip. Inuunahan na nila ang pwedeng mangyari.
I understand them. Multi-millionaire ang pamilyang kinabibilangan ko at gusto lang nila akong protektahan.
Ngayon lang naman hindi ko kasama ang mga alipores ko dahil magkakasabay ang emergency sa pamilya nila. I don't know kung nagkataon lang, o baka sadyang nagkataon lang talaga para mapag-isa ako.
Mabuti na lang at mukhang di-gaanong daanan ng sasakyan dito. Kung hindi ay baka nag-cause na ng aksidente ang biglaang pagtirik ng aking sasakyan sa gitna ng kalsada. Lalo na at bigla na lang akong namatayan ng makina at bigla na lang itong tumirik ng ‘di ko inaasahan.
But the problem is, sino ang hihingan ko ng tulong dito kung mangilan-ngilan lamang ang sasakyan na kasabayan ko kanina?
Ni wala akong matanaw na sasakyan na dumadaan ngayon!
Inis na tinapik ko ang manibela at agad na binaba ang bintana para maghanap ng pwedeng hingan ng pinakamalapit na tulong.
Sa malas!
Wala akong matanaw!
Nasa gitna ako ng isang malawak na lupain na tingin ko ay isang hacienda.
“What a lucky day, huh?” Inis na himutok ko sabay buga muli ng malalim na hininga. Tapos ay hinawi ko ang mahaba kong buhok na lumaylay sa balikat ko habang niluluwagan ang kwelyo ng suot kong costume.
Biglang uminit ang pakiramdam ko sa suot kong damit dahil sa pagkamatay ng aircon dito sa aking sasakyan. Mamaya ko pa sana ito isusuot kaya lang ay mahirap na itong isuot lalo na at baka matanggal ang ilang prosthetic na dinikit sa mukha ko at mga tainga ko.
Ang tema ng dadaluhan kong party ay ang sikat na Lord of the Rings movie na ewan ko ba kung bakit ako napapayag na pumunta lalo na at suot ko pa ang weird na costume na suot ko ngayon.
Si Legolas ang napili ko dahil hindi ko na kailangan magpalagay ng heavy make up at prosthetics para maging kamukha lamang siya. Tsaka hindi rin OA ang suot niyang costume which approved my taste para sakyan ang kalokohan na ‘to.
Kung sino man ang nakaisip ng tema na ‘to, I’m sure it's one of my cousins who's obsessed with these movies na siyang nag-organize ng party na ‘to.
I hate parties actually, kahit noon pa mang bata pa lamang ako ay hindi talaga ako sumasama kina Papa at Mama kapag hindi nila ako pinilit. Mabilis kasi akong ma-boring at parang gusto ko ng umuwi kahit kararating pa lang namin noon sa venue ng party.
Pero iba ‘to, family reunion ito. Kailangan present lahat dahil once in a blue moon lamang ito mangyari. Family reunion na nilagyan ng twist ang theme and venue para siguro maging kakaiba at maging memorable.
‘Di bale, hindi rin ako magtatagal sa party. Sapat na siguro ang isang oras na pagtitiis ko para pagbigyan sila sa kalokohan na ito.
In-on ko ang portable fan na nakita ko sa ibabaw ng dashboard para pawiin ang init na aking nadarama. It's my sister's thing. Good thing she forgot. I can use it now lalo na at need kong magpalamig dahil unti-unti ko ng nararamdaman ang pagtulo ng pawis sa aking noo.
Sa malas! Low battery ito at hindi man lang umikot pagpindot ko.
“Damn! Lahat na lang ba ng kamalasan ay mararanasan ko ngayon?!” I hissed and immediately opened the window of my car just to breath and calm myself from anger. Saka ko pinaypayan ang aking sarili gamit ang folder na siyang nadampot ko.
Bahala na kung malukot ang mga importanteng papeles na narito. Ang importante ay makaramdam ako ng ginhawa bago pa sumabog ang inis ko sa kamalasan na nararanasan ko ngayon.
Pansin ko, kaninang umaga pa ako minamalas. Simula nang umalis ako ng mansion hanggang sa umabot na ako sa lugar na ito na hindi ko alam kung saang lupalop na ng La Union naroroon.
Gumamit na lang ako ng Waze para kahit papaano ay masundan ko kung saan ang daan patungo sa lugar na iyon.
Kung bakit naman kasi nila naisipan na pumili ng venue sa isang liblib na lugar na mahirap marating. Kinailangan ko pang gumising ng maaga para lang magbiyahe. Ang pamilya ko ay nauna na noong isang araw pa. Nahuli ako dahil inaasikaso ko pa ang mga papeles na kakailanganin ko para lumipat ng eskwelahan na tuturuan ko.
Isa akong propesor sa Math at EPP. Pero hindi talaga ito ang pinagkakakitaan ko at pinagkakaabalahan talaga sa buhay. Isa akong businessman na siningit lang ang pagtuturo para pagbigyan ang passion ko.
Gusto kong magturo ngunit kontrabida ang mga magulang ko sa nais ko.
Naalala ko pa kung paano maghisterya si Mama noon nang malaman niya na gusto kong kumuha ng Education at ayaw kong mag-Business Ad.
“You're the only son that I had. You should lead all our businesses and make it more successful in the future! Kapag hindi mo sinunod ang gusto namin ng iyong Papa, wala kang mamanahin kahit singkong duling!” Galit na galit na sabi ni Mama sa akin sabay madramang um-exit habang umiiyak at patuloy na tumatalak.
Si Papa ay napapailing na sumunod sa aking ina matapos niya akong iwanan ng isang warning look na alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito.
Dapat akong sumunod sa gusto nila. Kapag sinabi nila ay ginagawa nila.
Dahil masunurin akong anak at ayaw silang bigyan ng ikakasama ng loob nila, sumunod ako sa gusto nila.
Nang makita nilang successful naman lahat ng hinahawakan at binubuksan kong business ay saka ko isiningit ang pagkuha ng kursong gusto ko.
Hindi na sila kumontra dahil ilang beses ko naman napatunayan sa kanila na kaya kong gawin ang imposible sa larangan ng business world.
Kaya naman nang malaman nilang nalipat ako sa Stallion University para roon magturo ay labis ang tuwa nila. Doon kasi nag-aaral ang dalawa kong kapatid na babae at ang akala nila ay maging propesor nila ako sa isang subject. Pero agad ko na silang pinangunahan na hindi mangyayari iyon. Dalawang subject lang ang ituturo ko which is major ko ‘yong isa. Tapos dalawang grade lang ang tuturuan ko which is grade eleven and grade twelve.
Sinubukan kong paandarin ang aking sasakyan para maigilid sa gilid ng kalsada. Pero hindi na ito umandar, mukhang bumigay na at kailangan ko na nga yatang i-give up.
Kinuha ko ang susi at nagpasya na lumabas ng sasakyan para tawagan sina Papa at Mama. Sa malas, walang signal!.
Inis na nilagay ko sa loob ng bulsa ko ang aparato at saka mariing pumikit habang pilit kong kinakalma ang inis ko sa mga nangyayaring kamalasan sa akin.
Ayaw ko ng maulit ang ganitong sitwasyon, pangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ito mauulit!
Good thing, makulimlim ang panahon ngayon, mahangin pa at ang presko sa pakiramdam kaya kahit papaano ay gumaan ang nararamdaman ko. Mukhang sinuswerte pa rin naman ako ngayong araw. Kasi kung tirik ang araw ay wala akong sisilungan habang nag-aabang ng tulong sa magdaraan na sasakyan.
Wala pa naman akong natatanaw na waiting shed o puno na pwede kong silungan. Malawak na palayan kasi sa kaliwa ko at malawak na tubuhan naman sa kanan ko. May natatanaw akong mga puno ngunit tingin ko ay malayo pa iyon. Tsaka naisip ko, baka private property iyon. Baka mamaya ay mapahamak pa ako kapag nakisilong ako. Mag-aantay na lang ako ng tulong dito sa gilid ng kalsada.
Hindi naman mukhang sasama ang panahon kaya tingin ko hindi naman uulan which is huwag naman sanang mangyari.
Wala naman kasi akong nakikitang mga itim na ulap sa kalangitan, mukhang sadyang nagtago lang ang haring araw para bigyan ako ng lilim.
Tingin ko pa naman ay bibihira lang talaga ang sasakyan na dumadaan dito dahil mangilan-ngilan lang ang kasabayan ko kanina. Mabibilang nga sa daliri ang nakita ko kaninang mga sasakyan dahil siguro medyo liblib ito at hindi gaanong dinadaanan ng mga sasakyan.
Hindi kasi gaanong sementado ang kalsada at lamang ang baku-bakong mga daan.
“f**k!” Muli akong napamura nang maisip kong mahihirapan talaga akong humingi ng tulong para maayos ang aking sasakyan.
Ilang minuto rin akong nag-abang na dadaan na sasakyan ngunit wala ng dumaan kahit isa. Kahit man lang sana nakabisikleta o kaya ay naglalakad na tao para lang sana may mapagtanungan ako kung saan pwedeng may pinakamalapit na repairing shop.
I decided to take a walk hoping that I will seek help from anyone.
Kaya lang, isang kilometro na yata ang nilalakad ko ay parang hindi matapos-tapos ang palayan at talahiban na dinadaanan ko.
At ang nakapagtataka, ni isang bahay o tao ay wala man lang akong makita.
Pakiramdam ko tuloy ay nasa isa akong dimensyon na ako lang ang tao.
Naalala ko ang isang pelikula na napanood ko noong nakaraan. Parang parehas kami ng sitwasyon ng mga bida, na kahit anong ikot at lakad ay parang bumabalik kami kung saan kami nagsimula kanina.
I forgot the title but it's kinda horror and suspense thriller.
Tingin ko, hindi naman ako pinaglalaruan ng mga nilalang na narito. I don't believe in them. I know they don't exist. Masyado lang talagang malikot ang isipan ng mga tao at nakakaisip ng mga kakaiba at binibigyan ng hiwaga ang lahat.
Isa pa, hindi naman ako bumabalik kung saan naroon ang aking sasakyan, sadyang malawak lang siguro itong taniman ng palay at tubo kaya tila wala itong katapusan.
Hanggang sa huminto ako at nagpahinga, saka ko napansin na mukhang natapos na ang aking paglalakbay at mukhang makakahingi na ako ng tulong.
Pumasok ako sa tila gubat na nasa aking harapan, ito na iyong pinakadulo ng nilakad ko at siyang tinatanaw ko na maraming puno.
Hindi naman mukhang private property, wala naman nakapaskil na karatula na bawal itong pasukin.
Isa pa, umaasa ako na baka may bahay sa loob at pwede kong hingan ng tulong.
Nauuhaw na rin ako at nagugutom. Sana man lang ay may mahanap akong tulong bago pa man bumaba ang haring araw at tuluyan nang lamunin ng kadiliman ang paligid.
Alas-otso pa naman ang party, mukhang aabot pa naman ako kapag nakahanap ako ng mahihingan ng tulong ngayon.
Ngunit wala akong matanaw na bahay o tao man lang nangangahoy o nangunguha ng bungang-kahoy sa loob ng kagubatan. Mukhang mali ang pinasok kong lugar dahil mukhang mas delikado rito kapag may mabangis na hayop na nakasalubong ko sa daan.
Sinubukan kong tatagan ang loob ko. Naghanap na rin ako ng signal para tawagan sina Papa at Mama at ipaalam kung saan ako naroroon.
Sa kakalakad ko ay napunta ako sa maliwanag at napakagandang parte ng kagubatan.
Para itong lugar na hinugot sa loob ng libro dahil napakaganda at magical ng lugar.
Ewan kung naengkanto na ba ako dahil parang ‘di kapani-paniwala na napunta ako sa ganito kagandang lugar.
Just then, biglang nag-vibrate ang cellphone ko.
Agad kong sinagot ang tawag nang makitang si Mama ito.
“Thank God! Where are you, Enrikko? I thought napahamak ka na, anak ko!” nag-aalalang bungad ni Mama nang masagot ko ang tawag.
“I’m okay, Ma. Tumirik lang ang sinasakyan ko at hindi ko alam kung saan hihingi ng tulong,” agad kong sinabi dahil baka biglang mawala ang signal at hindi ko na masabi ang sitwasyon ko.
In-share ko rin ang location ko sa kaniya para in case makita niya kung saan ang kinaroroonan ko ay agad na mapuntahan nila ako.
“Ayan kasi! I told you! Hindi ka kasi nakikinig sa amin ng ama mo!” Sermon ni Mama na agad kong tinanggap at hindi na dinepensahan ang aking sarili.
Hinayaan ko lang siyang talakan ako habang pilit kong iniisip kung paano nagkaroon ng signal sa ganitong lugar.
Hindi kaya may satellite na malapit dito? Oh, baka pinaglalaruan ako ng mga nilalang na narito.
Magpapaalam na sana ako kay Mama para tumigil na siya sa kasesermon sa akin nang biglang mamatay ang tawag.
Agad kong tiningnan ang aparato ko at nakita kong nawalan na ito ng signal.
“What a coincidence, huh?” Natatawa kong sabi.
Tila binigyan lang ako ng pagkakataon na makausap ang aking ina at masabi ko ang aking sitwasyon. Kahit saan ko kasi itapat ang cellphone ko ay wala na itong masagap na signal.
Nagpasya ako na lumapit sa kagandahan ng paligid na nasa aking harapan. Gusto ko itong kuhanan sa aking aparato dahil talaga nga namang napakaganda nito at kaakit-akit sa paningin.
May maliit na falls sa ‘di kalayuan na bumabagsak sa ilog, lawa, o batis—kung tama ako na iyon ang dapat itawag dito.
Tapos samut-saring bulaklak sa malapit na amoy ang halimuyak ng mga ito. Mga nagtataasang puno na nagbibigay ng magandang view sa paligid at ang mga kulisap at paru-paro na malayang lumilipad sa paligid. Hindi lang iyon, dinig ko rin sa paligid ang huni ng mga ibon na tila umaawit sa aking pandinig.
Tila paraiso ang nasa aking harapan kaya hindi ko mapigilan ang humanga. Lalo pa itong gumanda sa paligid ko nang may gumihit na rainbow sa himpapawid. Parang napakalapit nito dahil kitang-kita ko ng malinaw ang walong kulay nito.
Kaya naman hindi ko napigilan ang aking sarili na kuhanan ito ng larawan. Kinuhanan ko hanggang sa magsawa ako.
Saka lang ako tumigil sa pagkuha ng larawan nang maramdaman kong nauuhaw na ako.
Napatingin ako sa tubig na nasa aking harapan. Pwede naman sigurong inumin ang tubig dahil malinaw ito at kitang-kita ko ang buhangin at mga bato sa ilalim.
Crystal clear ito at mukhang bihira itong puntahan ng mga tao dahil siguro masyado itong liblib at baka nga private property ito gaya ng nasa isip ko.
Sumalok ako sa palad ko nang makalapit ako. Matamis, parang iyong klase mineral water na binibili ng sekretarya ko sa isang convenience store.
Uminom ako hanggang sa mapawi ang uhaw ko. Tatayo na sana ako mula sa pagkakatunghay sa tubig nang biglang may lumitaw na babae sa harapan ko.
Gulat na napaatras ako habang nanlalaki ang mga mata ko.
Gulat na nakatingin din sa akin ang babae habang pareho kami ng reaksyon ng mukha.
Nang makabawi ako ay agad na gumala ang paningin ko sa kaniyang kabuuan.
She is very pretty. Mukha siyang diwata mula rito sa kagubatan.
Pero anong ginagawa ng isang diwata sa tubig? Hindi kaya’y sila ang may-ari ng property na ito at lagot na ako?
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa napakagandang babae. Pero, laking gulat ko nang mapansin ko ang ibabang parte ng kaniyang katawan na labis kong ikinamangha!
I-Is this real?
I-Is she a m-mermaid?
Kinakabahan na tanong ko sa aking sarili habang nanlalaki ang aking mga mata sa gulat at pagkamangha.
“E-Engkanto?!” Bulalas ng babae. Nakita kong namilog ang kaniyang mga mata. Napaawang ang mga labi at nawalan ng kulay ang kaniyang buong mukha.
Saka siya tumalikod at mabilis na lumangoy palayo dahilan para mabasa ako at mapaatras palayo sa tubig.
Pagtingin ko ay wala na siya.
Napanganga na lang ako habang naglalaro sa aking isipan ang maraming katanungan.
Tsaka teka, ako ba ang tinutukoy niyang engkanto?