Chapter 3: Renewed Friendship

2341 Words
ILANG BUWAN ng natiis ni Denise ang ganoong buhay. Ngunit parang gusto na niyang sukuan ito. Minsan ay uuwe na lang siya sa apartment at gusto niyang mag iiyak sa pagod. Sa trabaho at sa eskwelahan. Ngunit mas pinili niyang manahimik at ikimkim ito sa parents niya. Paniguradong pag sinabi niya ito ay papabalikin kaagad siya sa Pilipinas. Mag fifinal exam na kasi kaya halos sabay sabay ang requirements nila. Unang sem palang pero parang nasa adjustment period pa rin siya. Good thing ay may mga naging kaibigan na rin siya kahit papaano at katuwang na mag aral. "Hey, Denise... Ahm can I ask you out for dinner?" Travis asked ng makasalubong siya sa hallway. "Sorry Travis, I have so many things to do later.. Maybe next time?" she politely said. Hindi naman maiiwasan talaga ang paghanga sa kaniya dahil sabi nga ng iba maganda siya at mabait. But she didn't prioritize love at this point, or even in the future. Mahirap magmahal at magtiwala kung mismong ang sarili niya ay hindi niya magawang mahalin ng buo.   4 Years Later DENISE lay herself comfortably on her hotel room. Kakauwi niya lang sa Pilipinas matapos ang graduation niya at imbes na sa bahay magderetso ay dito siya sa Batanes nagpunta. Sabay- sabay sila umuwi sa Pilipinas after spending a week in New York with her family matapos ang graduation niya. Ang bilis ng panahon and she achieve her goals! Nakapagtapos siya ng pag aaral sa isang prestigious University in New York! At kabi-kabila ang offer sa kaniyang trabaho and even her Dad offers the DV Cars to her but she politely declined for now. She just want to enjoy first and reward herself for a very job well done! Kaya masaya siyang pumayag ang Daddy niya na dumeretso siya sa Batanes ng mag isa kaysa sa bahay nila. Bumangon siya at sinilip sa bintana ng kwartong tinutuluyan niya ang ganda ng paligid. Fresh air, green grass and a scenic view of mountain and sea. A perfect place to relax and enjoy after years of working. Apat na taon din siyang namalagi sa ibang bansa at ngayon na lang umuwi.  Imbes kasi na siya ang umuwi ay ang pamilya niya ang pumupunta sa kaniya sa loob ng apat na taon. Instead of resting gaya ng nasa itinerary niya ay nagbihis siya upang lumabas at maglakad lakad. Nakakapagod ang byahe but this view is enough to relieve her tiredness. She wears her above the knee floral white dress, her sun glasses and pair it with her slippers bago lumabas ng kwarto bitbit ang sling bag niya. Naglakad lakad siya at huminto lamang ng makakita ng magandang spot upang mas makita ang magandang view ng lugar. Napapikit sya at dinama ang peaceful ambiance ng lugar na iyon. It's been a while ng magsolo travel siya. Every end of the semester kasi ay sinimulan niyang mag solo travel around America gamit ang perang naiipon niya sa part time job niya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nakabalik sa Pilipinas. And it is always a quality and most satisfying moments for her. She met different people and make friends with them. Sa naging simpleng pamumuhay niya sa Amerika nakita niya ang realidad ng buhay. Iyong marangyang buhay na nakasanayan niya ay malayo sa totoong buhay na nakita niya sa pangkaraniwang tao lamang. May mga nakasama siyang mga kababayan nila ang nagtitiis sa Amerika kahit malayo sa pamilya para makapagpadala at makatulong lamang sa mga ito. Samantalang siya ay nanirahan lamang sa doon at nag aral para maging independent at pansamantalang lumayo. Hindi niya naikwento iyon sa iba dahil baka napakababaw kung ituturing ang dahilan niya but she learns a lot from them. She got to experience different culture, got to hear different stories and she really appreciates even simple things now dahil exposed na siya sa both sides of life. She heard a click of a camera on her side dahilan para mapadilat siyang muli at tignan kung sino iyon. "Ohh I'm sorry Miss.. I just can't take my eyes of you. You look so peaceful and amazing." agad na paliwanag nito ng mahuli niya. "It's okay. No harm done. Pakidelete na lang po kuya." she said to him na tila nagulat ng marinig siya. "Pinoy ka? I thought you're a foreigner." nahihiyang sabi nito at napakamot pa sa batok nito. Na ikinangiti niya "Yes pure po. It's because of my hair I guess?" natatawang sabi niya at hinawakan ang buhok niyang blond. Well her real hair color was black, but she lost on a bet with her friend Jassie kaya hiniling nitong magpakulay sya ng buhok ng kagaya ng kulay ng buhok nito para they really look like sisters daw. So she had no choice but to color her hair. Well marami naman ang nagsabi na bagay sa kanya kaya hindi na rin nya iniba pa. "Oo ayun nga. Hehe Sorry po ulit, Look at this picture before ko idelete baka magustuhan mo." offer nito at pinakita iyon sa kanya. It's a candid picture and she really looks peaceful in that photo. Nakangiti siya at nakatingin sa napakagandang tanawin. "Wow.. You are good at taking pictures." compliment niya ng makita ang kuha nito. "Hindi naman po. It's because maganda ang subject kaya nadala mo din ang paligid." paghirit nito. "Bolero talaga mga Pinoy!" Natatawang sabi niya dahil napaka smooth ng pagkakabanat nito. "Hindi bola yun Miss! It's a fact. Kitang kita naman ang ebidensya oh." Pinakita nitong muli ang picture niya. "Oo na. Can I have a copy of this before you delete it? I'm Andrea by the way.." Pagpapakilala niya gamit ang second name niya. Siya na mismo ang naglahad ng kamay dito. "Sure.. No problem and I am Andrei.." natatawang sabi nito ng mapansing halos magkahawig sila ng pangalan. She easily get friends to strangers now kaya madali niyang nakasundo ito. They had a little chat habang nililipat nito ang pictures sa laptop nito at naipasa sa kaniya. Nagpasalamat siya dito bago umalis na para makakain at sundin ang nasa itinerary niya. She stays at Batanes for five days bago umuwi sa bahay nila. She misses home matapos ang apat na taong pananatili niya sa New York. "DAD I got home, no need to pick me up. I'll just rest at my room po." She said to her Dad via call dahil gusto pa siya nitong sunduin sa airport. "Ang kulit mo talagang bata ka. I told you that I will pick you up tapos nakauwi ka na pala," nagtatampong sabi nito "Dad, cut the drama. You're a drama king na! I'll hang up po and rest well. Bye Daddy! See you later and I love you!" she said at inayos ang sarili para matulog. KINAGABIHAN ay nasa hapag kainan na ang buong pamilya niya at naghihintay sa pagbaba niya para makakain na sila. "Good evening ate! How's your vacation?" bati ni Jaden sa kaniya at niyakap siya nito. "Hello everyone! I'm good my brother dear. Batanes is the best! Iba pa rin talaga ang ganda dito sa Pilipinas." She commented at isa isang hinalikan ang mga ito sa pisngi bago umupo sa bakamteng upuan sa tabi ng kapatid. "Looks like you really enjoyed it. By the way anak what's your plan now?" tanong ng Daddy niya. "Mamaya na ang tanungan. Let's eat first. Jaden you lead the prayer." Tita Jia said at agad naman silang umayos upang manalangin. "Dear Lord, thank you for this whole day.. thank you for every blessings and thank you din po dahil kompleto na po kami ulit. Thank you for bringing my beautiful sister back." napangiti siya sa sinambit ng kapatid. "Bless our food in Jesus name.. Amen." "Amen.." Sabay sabay silang kumain at iyon na yata ang pinaka mahabang hapunan na naranasan niya. Kahit na nga nakasama na niya ang mga ito noong isang linggo pa ay hindi pa rin natatapos sa simpleng hapunan lang ang kwentuhan nila. Hindi kasi maubusan ng kwento ang kapatid niya at gayon din ang napakaraming tanong ng Daddy niya. "Now what's your next plan anak?" muling tanong ng Daddy niya. Usapan kasi nila ay mag iisip muna siya ng susunod na gagawin sa bakasyon niya sa Batanes. "I accept your offer Dad. But I need 2 months rest first before ako magtrain sa company." she said na ikinatuwa ng Daddy niya. Napag isip isip niya kasi na sa kompanya nalang ng Daddy niya siya magtatrabaho kaysa sa ibang kompanya. In that way ay matutulungan pa niya ito kaysa ang ibang kompanya ang makinabang sa kanya. "Very good anak. Akala ko ay wala ka ring interes na hawakan ang kompanya gaya nitong kapatid mo na magtatayo daw ng restaurant." komento ng Daddy niya. "Kayang kaya na ni ate 'yun dad, habang ako gagawa ng resto para makilala ng buong bansa!" pagmamalaki ni Jaden "Kahit ano naman ang gusto ninyong dalawa susuporta lang kami para sa inyo. Do not pressure yourself to follow anyone's footsteps. Just pursue your dreams if that will makes you both happy." nakangiting sabi sa kanila ni Tita Jia na ikinangiti din niya. "By the way ate I told kuya Gian na nakauwi ka na.. You know what he said? 'So what? Pakielam ko naman sa ate mong hindi kagandahan!' Gano’n ate ang sabi. Mukhang nagtatampo talaga si kuya." Natatawang pagkwento nito. "Kamusta na ba ang mokong na iyon? I will visit him later. Pero huwag mong sasabihin ha?" she said dahil sa apat na taon ay hindi pa sila muli personal na nagkikita. Madalang na din niya noon na sagutin ang mga messeges at calls nito dahil marami siyang ginagawa. Mukhang napansin din ni Gian iyon kaya naman hindi na ito nangulit pa sa kaniya. Nagkakausap na lang sila kapag mayroong okasyon it is either his birthday or hers. "Nako ate baka ikaw ang masurprise kapag pumunta ka ng walang pasabi!" Makahulugang sabi nito. Well, what would I expect kay Gian na womanizer? Women are following him everywhere! Kaya feeling pogi ang mokong. "He doesn't change at all then? Okay I won't visit him." she said at muling nagbukas ng ibang topic na mapag uusapan ang Daddy niya.   KINABUKASAN ay maghapon siyang natulog at nagpahinga dahil ngayon lang talaga siya napahinga. Kaya naman ng mag gabi ay gising na gising pa siya. She prepares herself to go night out. She wears a sleeveless black croptop pair with her high waist tattered jeans. Hinayaan niyang nakalugay ang kanyang blond na buhok bago sumakay sa kotseng ibinigay ng Daddy niya. She drove her car to the high-end bar near their place. Hindi naman siya inosente sa mga ganoong bagay but she's pure and responsible in handling herself. Wala lang siyang kaibigan na maaya dito dahil wala naman siyang maituring na kaibigan dito noon. Wala rin siyang masyadong kakilala. Ang mga pinsan ng kapatid naman niya ay kaedaran lang ni Jaden kaya hindi niya maaya sa bar. So she decided to go on her own. She enters the bar at agad na pumuwesto sa bar counter. Tahimik lang siyang nagmamasid sa lugar ng biglang may tumabi sa kaniya. "Want's some drink?" a good looking man offered. "No.. I'm good. Thank you." she politely said with her American accent. "Ahm.. Are you alone Miss? I can join you if you don't mind." nakangiti pa rin nitong sabi na hindi umaalis sa katabing upuan niya. "Actually, I'm with my boyfriend." sagot nya rito mukhang nakuha na nito ang gusto niyang sabihin kaya umalis na rin ito. Iyon ang lagi niyang rason kapag may lumalapit sa kaniya sa mga bar na pinupuntahan niya kahit ang totoo ay wala naman talaga. She enjoys herself habang nakatingin sa dancefloor at maraming nagkakasiyahan doon. Muli ay naramdaman niyang may tumabi sa kanyang upuan ngunit hindi naman ito nag offer sa kaniya ng drinks kaya hindi niya rin pinansin ito. "Ang bangis mo talaga brad! Foreigner pa binabakuran mo ngayon ah." Narinig niyang sabi ng nagdatingan na kasamahan ng lalaking nasa tabi niya. "Wow. Ang ganda. Lapitan mo na brad! Ako kukuha dyan sige ka." lihim syang napairap at hinarap ang bartender and ask him for her bill. Uuwi na lang siya kaysa dahil panay ang lapit sa kaniya. "It's already paid Ma'am." magalang na sabi ng bartender. "Who?" she asked at itinuro naman nito ang nasa tabi niya. Sinundan niya iyon ng tingin at bahagyang nagulat siya kung sino iyon. Nakatutok ang itim na itim nitong mata sa kaniya at bakas ang kaseryosohan doon. Who would have thought that he can be this handsome and masculine? His pointed nose and visible jawline makes him look like Hollywood actor. She pretended that she doesn't know him to tease this man. "Thank you Mr." she simply said with her accent and walks out. "Iba talagang dadamoves si Gian!" narinig pa niyang komento pa ng mga kasama nito ng paalis na sya. Nasa parking na siya ng bar na iyon ng may biglang tumawag sa pangalan nya. And hindi na niya kailangan pang alamin kung sino iyon dahil paniguradong sesermonan na naman siya nito. "Excuse me? Do you know me mister?" she continue to pretend kahit halata na sa mukha nito ang pagkapikon sa inaasal niya. "Iba ka na talagang babae ka. Kinalimutan mo na talaga ko?" nasasaktang sabi nito. "Wait.. I don't get you." she denied again. "Isa pang deny mo hahalikan kita!" pagbabanta nito at nilapitan siya. Matalim siyang tinitigan nito at hindi na niya napigilan ang malakas niyang tawa. "Ang pikon mo pa rin kapre." natatawa niyang sabi niya at kinurot ang pisngi at matangos na ilong nito. "You've changed. Parang hindi na kita kilala.. Kinalimutan mo na ‘ko. Porket hindi ka na pangit ngayon?" nagtatampong sabi nito nang alisin ang kamay niyang nasa ilong nito at hinawakan iyon at hindi binitiwan pa. "You just missed me that is why. Come here let me give you a hug." She said and open her arms wide. Hindi na nagpakipot ang loko at agad siyang niyakap ng mahigipit. "Yes I missed you so much.." ==== ©Miss Elie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD