NAPAGHAHALATAAN na ang tiyan ni Denise dahil mag a-apat na buwan na iyon. She started wearing dresses at hindi na kasya ang ilan sa mga iyon. So, she decided to buy some maternity dressess. Hindi lingid sa kanya ang ilang bali-balita na tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi nila itinatago iyon, subalit hindi rin naman kinukumpirma. Sinusubukan niyang huwag mag padala sa mga usap usapan patungkol sa kanya ng mga tao. She wears simple yellow floral dress paired it with white doll shoes. Isinuot din niya ang ibinigay ni Gian na pandora bracelet na ayon dito ay mayroong microchip that help him to easily locate her if something happens. She's ready to go shopping alone. Iyon naman kasi ang nakasanayan na niya noon pa man. Balak din kasi niyang magpunta sa salon upang ipaayos ang buhok niya.