Isang matandang lalake ang bumaba sa pintuan ng eroplano nasa seventy five ang edad niya. Si Don, Edison Sy III ang ikatlong henerasyon ng mga Sy sa edad niya hindi halata na matanda na siya dahil matikas pa rin ito, bakas sa mukha nito ang pagka-istrikto. Suplado at matapang, malayong malayo sa mga ibang Lolo na makikita mo sa pangkaraniwang tahanan. Yumakap ang Daddy ni Kenneth. "Welcome home Daddy." "Thank you, Son." Tipid nitong sagot. "Papa welcome home po!" Tapos yumakap rin ang Mommy ni Kenneth. "Thank you." Tumingin sa magkapatid si Don Edison. "kayo mga apo hindi niyo ba ako iwe-welcome?" Lumapit silang dalawang magkapatid at yumakap sila sa Lolo nila "Daddy! Let's go po, umuwi na tayo." sabi ng Daddy nila. "Mabuti pa nga nagugutom na kasi ako."sagot ng Lolo nila. "Pinag

