SPECIAL CHAPTER 1 Dalawang linggo na ang nakakalipas nang magkaroon sila ng reunion na magkakaibigan. Nagkaroon sila ng pagkakataong magsasama-sama muli pakalipas ng limang taon. Lahat ng kaibigan ni Kenneth ay may maayos at seryosong relasyon na. Naputol na rin ang pagtugtog nila sa mga disco bar at nag focus na lang sila sa mga negosyon ng kani-kanilang pamilya. Si Lenard ay nagkaroon na ng babaing mamahalin at masaya na rin ito. Samantalang sila ni Kenneth ay masaya na ngayon. Nakahiga siya sa binti ni Nicole habang nasa living room silang dalawa at nakaupo sa sofa.. Wala kasi ang anak niya ngayon dahil kasama ng kanyang Parents na mamasyal sa Mall. Kaya naman silang dalawa lang ang nasa mansiyon. Nanonood silang dalawa ni Nicole ng movie habang may pagkain sa table na kung saan nasa

