Isang buwan ang nakalipas matapos silang magtungo ni Kenneth sa bicol. Mula noon mas naging sweet si Kenneth sa kanya kahit na nga wala naman silang relasyon dalawa. Hindi niya pa kasi sinasagot si Kenneth. "Beep! Beep!" Ilang beses niyang binusinahan ang sasakyan nasa unahan niya. Nagmamadali kasi siyang pumunta sa four brothers resto bar sa bandang malate. Ngunit dahil sa sobrang traffic hindi na siya nakaalis sa traffic. "Damn!" Kanina kasi habang kampante siyang nakahiga sa kwarto niya tumawag sa kanya si Fema at sinabing lasing na lasing daw si Kenneth at nilalandi ng ibang babaeng haliparot sa bar na iyon. Pakiramdam niya tumaas ang dugo niya sa ulo sa sobrang inis. Kaya naman agad siyang napasugod ngayon doon. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Fema ng tawagan siya nito. "Bak

