CHAPTER 50 "Kenneth! Bangon na peste kang bata ka! Araw ng kasal mo ngayon! Bumangon ka diyan! Kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo!" Sigaw ng Lolo Edison niya sa kanya. Kinasa ng Lolo niya ang baril pagkatapos tinutok sa kanya. "Ano hindi ka pa diyan babangon?!" Pailalim niyang tinitigan ng masama ang Lolo niya. "Go ahead Lolo shoot me." "Kenneth! Gusto mo bang patayin ko si Nicole sa araw na 'to? Sinasabi ko sa iyo Kenneth, Wag na wag mo akong bibigyan ng kahihiyan!" Baritonong boses ng Lolo niya. Halos kita na ang litid nito dahil sa galit sa kanya. "Fvck! Wag mong sasaktan si Nicole Lolo!" Pasigaw niyang sabi. Inalis ng Lolo niya ang baril na nakatutok sa ulo niya pagkatapos naglakad palabas. "I'll give you thirty minutes to fix your self. Alam mo na mangyayari Kenneth kapag

