CHAPTER 52 ANG LAPAD ng ngiti ni Vanessa habang tinatanaw niya ang kapatid niya na papalayo. Finally, nakawala na rin si Kenneth sa pagmamaniobra ng kanilang Lolo. Hindi nila akalain na agad na aaksiyon ang kanyang Lola. Noong ikinasal kasi ang pinsan niya hindi ito natutulan ng kanyang Lola dahil hindi nila alam kung nasaan ito hahanapin ang maganda lang sa naging kasalanan na iyon na-in love ang pinsan niya sa babaing napakasalan niya. “Vanessa, let’s go! Umuwi na tayo.” Sabi ng Lola niya. Tumango siya at sumunod sa kanyang Lola. Sinabay niya ang kanya Lola sa kanyang kotse nang magsalita ito. “Kailan kayo magpapakasal ni Arnold?” Bigla siyang napapreno dahil sa pagkabigla sa sinabi ng kanyang Lola. Hindi niya kasi iyon inaasahan na sasabihin. “Vanessa! Be careful.” Sambit ng Lola

