Chapter 1 - 1 "Pamela's Version Of The Story"

1882 Words
--PAMELA-- HI, my name is Pamela Hailey Lopez, 26 years old. I am beautiful and deadly sexy. I also have fair and smooth skin. My friends call me Barbie doll because whatever I wear I still look gorgeous in any of it. That's also the reason I became famous in my career as a fashion model. I'm nice to those who are nice to me, but I'm twice evil to those who try to pull me down. If you think you're a bitch, well you're just a bitch and I'm the queen of the bitches.  I'm a person who doesn't follow rules. Family rules rather! Please, don't get me wrong. I'm not rebellious most especially to my parents, I just really hate being controlled.  I was born as a human and not a dog who only follows orders. I don't like to live my life, reaching people's expectations. Even if they're the people close to me. If you love me, then accept me. If you don't accept me, then better get out of my way before I kick you myself away.   My motto is; My life, my way, my rules! We only live once, right? So let's live the way we want it. Live free! But of course don't do anything illegal! And don't step on other people's lives. Maybe I'm partly like this because I am someone who people called born with a golden spoon. I come from a rich family. I'm the youngest daughter of a rich business tycoon Rylan Lopez and his wife Silvia Lopez. I have two brothers who are also successful in their own businesses and careers. By the way, I know many of you hate me as I am one of the villain characters in the love story of my bestfriend Chantal Valdez and Kenzo Fontivilla Salameda. Like what the famous saying says; There's always two sides of the story. This is the real me, Pamela Hailey Lopez and this is my version of the story... --FLASH BACK-- It was the night of my 21st birthday. I was so happy and excited. It's been a while since the last time my family was complete on my special day. My parents were both present as well as my two older brothers. Relatives and friends were also there celebrating with us. But I was happier because my childhood crush, Kenzo Fontivilla Salameda was there too. Yes you heard it right. Childhood crush ko si Kenzo. Mahal ko na nga siya eh. Pero syempre ay hindi niya alam 'yon. Secret ko 'yon. Walang kahit sino sa mga kaibigan ko ang nakakaalam niyon maski sina Chantal at Kristen na itinuturing kong matalik na mga kaibigan ay hindi ko sinasabi sa kanila. Nagkukwento ako pero walang pangalan. Okay lang naman sa kanila. Ganoon kasi sila. Isa 'yan sa ugali na nagustuhan ko sa kanila. Kung gusto mo i-share sa kanila ready silang makinig pero kung ayaw mo ay hindi ka nila pipilitin. We respect each other's privacy. Anak si Kenzo ng bestfriend ng Mommy ko kaya lumaki din kaming magkaibigan kahit mas matanda siya sa akin ng apat na taon. Medyo nagkahiwalay lang kami noong nag-aral siya ng master's degree sa Amerika. Naging busy na rin siya noon lalo at pinasok narin niya ang mundo ng sport na car racing. Magaling siya kaya naman naging sikat siya sa mundo ng sports. Marami kasi siyang mga naipanalong laro. Dahil sikat, gwapo at mayaman mas lalo tuloy lumiit ang chance ko na mapansin niya hindi lang bilang kaibigan kundi bilang babae. Nang bumalik siya sa bansa para pamahalaan ang mga negosyo ng pamilya niya sumali naman siya sa sikat na grupo na kinabibilangan ng mga young Billionaire's ng bansa at iyon ay ang "TBC o The Billionaire's Club". Lalo lang naging kaliwa't kanan ang mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Luckily, dahil bestfriends nga ang mga Mommys namin medyo napag-uusapan nila na-irito kaming dalawa na ipakasal sa isa't isa. Sobrang saya ko ng malaman ko 'yon. Ang mga mommy na rin namin ang gumagawa ng paraan na magkasama kaming dalawa. May mga set-up dates na nangyayari na gustong-gusto ko naman. Dahil sa mga set-up dates na nagaganap. Nitong mga nakaraang buwan mula ng magbalik siya ng bansa ay mas nagiging close na kaming dalawa. Pakiramdam ko lumaki na ang chance na masuklian ang lihim kong pagtingin sa kanya. But not until he meets my best friend Chantal Valdez. Kasalukuyan kaming nag-uusap nina Kenzo at bestfriend nitong si Kevin Carlos ng dumating sina Chantal, Kristen at pinsan ni Kristen na si Arthur sa birthday party ko "Pam..." nakangiting tawag sa akin ni Chantal. Mukhang nag-alangan pa itong lumapit sa akin ng makitang may mga kausap ako. "Chantal, Tin..." nakangiti kong salubong sa mga bestfriends ko. "Bakit, naman ang tagal niyo? Kanina ko pa kaya kayo hinihintay." "Paano naman kasi ang tagal dumating nila Kristen. Sumabay kasi ako sa kanila ng pinsan niya," rason ni Chantal. "Nga pala si Arthur, pinsan ni Kristen," pagpapakilala nito sa kasama nilang gwapong lalaki. Nakipagkamay ako dito. "I know you. Parang nagkakilala na tayo dati," nakangiti kong turan. "Yes, ipinakilala ka na ni Tin sa akin dati. You look gorgeous as always, Pamela," nakangiti nitong turan. "Happy birthday nga pala and nice party by the way."  "Oh, thank you. Mabuti naman at nakasama ka sa pinsan mo." "Syempre ng sabihin kong kasama itong si Chantal ay hindi na nagdalawang isip at pumayag nang maging escort namin," pagbubuking ni Kristen sa pinsan nito. May crush yata si Arthur kay Chantal. Bigla kasi itong nagblush. Infairness. Ang cute niya rin ha. Sabagay hindi naman nakakapagtaka ‘yon dahil first cousin nga siya ni Kristen na syempre ay napakaganda. Mestiza ito at mala porselana ang kutis dahil nga may lahing Amerikano.  "Oh, I see. Buti at my escort pala kayong dalawa ngayon," turan ko. Sa mga kaibigan ko. Si Kristen at Chantal ay parehong no boyfriend since birth, unlike me. Ako ang tinaguriang  playgirl sa aming tatlo. Yes. Marami na akong naging boyfriend pero mga fling fling lang naman. Wala sa kanila ang pinayagan kong humigit pa doon. Ang boring naman ng buhay ko kung magmukmok lang ako sa isang tabi habang naghihintay kung kailan titino si Kenzo sa pagiging babaero at mapapansin ako. Hindi ako ganoon. Syempre habang minamahal ko siya ng lihim ay in-enjoy ko rin ang buhay ko noh. Anyway, ipinakilala ko ang mga bagong dating kong kaibigan kay Kenzo at Kevin. "By the way guys, this is Kevin Carlos Madrigal and Kenzo Fontivilla Salameda," pagpapakilala ko. "Gentlemen, meet my two best friends, Kristen Thomas and Chantal Valdez. And this gentleman right here is Arthur, Kristen's cousin," nakalimutan ko ang apelyido ni Arthur kaya pangalan lang niya sinabi ko. Nagkamayan naman sila ngunit si Kenzo ay tumigil yata ang mundo ng makadaupang palad si Chantal. Ayaw na nitong bitawan ang kamay ni Chantal.  Parang may sumipa sa puso ko. "No! God please not!" taimtim kong dasal. Ayaw kong mangyari ang pinaka kinakatakutan ko. Ang maging karibal ang isa sa matalik kong mga kaibigan sa puso ni Kenzo. "Excuse me. Let go of my hand, please," narinig kong wika ni Chantal. Thanks God mukhang hindi niya type si Kenzo! "Oh, sorry. Nakakatulala kasi ang ganda mo e," hirit ni Kenzo dito. Jusko Lord. Kailan pa naging corny si Kenzo? Nakakairita. Ang sarap sipain sa totoo lang. Daig pa ang tambay sa kanto kung humirit. Napaka presko.  Sumabat na ako. "Boys, boys boys... hindi sila talo." Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Kenzo sa kamay ni Chantal. "I know you guys. Off limits ang mga bestfriends ko, okay?" Shit nasasaktan ako. Pero hindi ko pinahalata. Kitang kita ko ang interes ni Kenzo kay Chantal. Syempre ay maganda naman talaga si Chantal. Iyong ganda na kahit saan mo ilagay ay siguradong lulutang sa karamihan.  Maraming tao at mga bisita sa party ko ngunit ang attention ko ay para lang kay Kenzo. Ngunit ang attention naman ni Kenzo ay nakay Chantal lang. Pasimple nitong sinusundan ang kaibigan ko kahit saan ito magpunta. Ang sakit makita na parang wala nang ibang babae sa paningin nito kundi si Chantal lang. Gabi ko ito pero bakit parang naging unang gabi yata ito ng burol ng puso ko? Bigla nalang kasi akong nawala sa eksena at sa attention ni Kenzo. Nawalan ako ng escort at date sa mismong party ko.  Ang ipinagpapasalamat ko nalang ay mukha hindi ito type ni Chantal. Nakikita ko kasi ang pag-iwas na ginagawa ni Chantal kapag nasa malapit lang si Kenzo. Sabagay simple lang naman kasi talaga si Chantal. Masyado din itong pihikan sa lalaki. Kaya nga hindi pa nagkaka boyfriend eh. At isa sa pinakaayaw nito sa lalaki ay ang katulad ni Kenzo. Ayaw nito ng lalaking famous. Kasi ayaw nito ng may kahati.    LUMIPAS ang mga araw naging busy ako sa trabaho. Ngunit ang hindi ko alam ay naging busy rin pala si Kenzo sa panunuyo at panliligaw kay Chantal. Mahal ko si Kenzo pero mahal ko rin ang bestfriend ko. Sinubukan kong lumayo muna sandali sa kanila at ibaling sa ibang bagay ang attention ko. Pero hindi ko parin magawang kalimutan si Kenzo. Nakikita ko naman kay Chantal na unti-unti na siyang nahuhulog kay Kenzo. "I think gusto ko na siya," deklara ni Chantal minsang magkakasama kaming tatlo nila Kristen. "Talaga? Paanong gusto?" tanong ni Kristen. "Sigurado ka? Chantal kilala ko si Kenzo. Napaka babaero niyon baka umiyak ka lang," totoo sa puso ko ang pagbibigay ko ng babala sa kanya. Babaero naman talaga si Kenzo at ayaw kong pati siya ay masaktan nito. Tamang ako nalang ang nasasaktan kahit wala naman akong karapatan masaktan. "Hindi ko pa naman sinasagot eh. Titingnan ko pa kung talagang seryoso siya at kaya niyang magbago para sa akin," nakangiting kwento ni Chantal. Shit na malagkit! Ang saklap nito! Paano ko sasabihin sa kanya na mahal ko si Kenzo kung ganitong nakikita ko ang saya sa mga mata niya? In love narin siya kay Kenzo tulad ko! Sigurado ako doon. Nakikita ko ang ningning sa mga mata niya sa tuwing nababanggit niya ang pangalan ni Kenzo.  Ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi ko alam. Nagugulohan ako. "Chantal, akala ko ba ayaw mo sa lalaking famous? Anong nangyari at nagkakagusto ka na sa opposite ng dream guy mo? Pinapaalala ko lang sayo... Sobrang dami ang babaeng magiging kaagaw mo kung siya ang magiging boyfriend mo. Baka araw-araw kang umiiyak," wika ko sa kanya. "Oo nga, bes! Ang pinsan ko nalang ang sagutin mo. Sinasabi ko sayo seryoso talaga 'yon sayo at one woman man 'yon. Hindi ka niya sasaktan," si Kristen. Nanliligaw din kasi ang pinsan nitong si Arthur kay Chantal. Halos kasabayan sila ni Kenzo sa panliligaw kay Chantal. Ang  haba ng hair, diba? "Sige pa, Tin. Push mo pa ang pinsan mo sa kaibigan natin." Isip-isip ko lang. Ako kasi ay sanay na akong palihim na masasaktan dahil sa pagmamahal ko kay Kenzo. Mas natatakot ako para kay Chantal. Paano kung pinaglalaruan lang siya ni Kenzo? Masyadong matulis sa babae ang isang iyon. Kung magpalit nga yon ng girlfriend ay kasing dalas sa pagpapalit nito ng underwear. Hindi ko lang alam kung bakit pinagtiyagaan niya manligaw kay Chantal. Siguro ay na cha-challenge ito kasi hindi ito sanay sa babaeng pa hard to get.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD