CHAPTER 12

1374 Words
"Hey Jake! Bungad ko sa kan'ya nang makapasok na ako sa opisina niya. "O Wal! Long time no see ah!" Masayang bati rin niya sa'kin. Naupo naman ako sa kan'yang visitors chair at siya sa kan'yang swivel chair. "Anong atin?" "Let's hang out" "Whoooa! Sa wakas nagyaya ka rin" Nagbalik ka na ba?" Biro nito sa'kin. "Sira! Gusto ko lang magliwaliw" "Bakit may bago na ba?" "Anong bagong sinasabi mo?" "Alam mo Wal matagal na kitang kilala, who is she?" "Walang bago okay. Napag-isip ko rin na nasa puso ko na lang si Celestine, and she will never cameback" "Alam mo Wal hindi naman namin inaalis sa'yo na 'wag mo ng alalahanin si Celestine or 'wag mo na siyang mahalin kasi wala na siya, ang gusto lang namin magpatuloy ka sa buhay mo at magpatuloy kang magmahal muli. At s'yempre buhayin mo naman 'yang 9 inches mo sayang eh tagal ng hindi nagagamit" "f**k you Jake! Humagalpak naman siya ng tawa. "So, okay ka na?" "Okay na naman ako Jake" "So okay na rin na makikita mo si Celestine the second?" "She is not Celestine Jake! "I know, I know! Nangingiti niyang saad. "But she looks like Celestine Wal, at hindi rin imposibleng mahulog ang loob mo sa kan'ya kasi kamukha siya ng asawa mo" "And that never happen. May Kristoff na siya" "E paano kung walang Kristoff?" Natigilan akong bigla sa sinabi ni Jake. Paano nga kung nagkataong wala siyang kasintahan? Posible rin bang magustuhan ko siya? Ayoko rin namang maging unfair dahil lang sa kamukha siya ng asawa ko. "See?" Tama ako. Wal 'wag mo siyang gustuhin dahil sa kamukha niya si Celestine dahil kapag nahulog siya sa'yo baka hindi mo siya kayang saluhin." Yeah right kaya dapat ako na ang umiwas, dahil baka dumating ang araw na imbes na si Doctora Alcantara ang nakikita ko, ay si Celestine ang nakikita ko sa kan'ya. Kalalabas lang namin ni Jake ng ospital at nasa parking lot na kami nang mabungaran ko si Doctora Alcantara kasama si Kristoff masaya niya itong sinalubong at hinalikan sa kan'yang pisngi napaiwas naman ako ng tingin dahil pakiramdam ko siya si Celestine na may ibang kasama. Sumandal naman ako sa passenger seat at pumikit dahil sa kotse na lang ako ni Jake sumabay. "Buti pinayagan ka ng girlfriend mo magbar?" Wika ko kay Jake nang nasa bar na kami. "Syempre naka score siya sa'kin eh," sabay lagok ng kan'yang beer. "Buti pinagtyatyagaan pa niya 'yang 4 inches mo?" "Nasa performance yan Wal, kaysa naman 'yang sayo puro lumot na hindi na nababanat" "Ulol ka Jake! Banat na Banat 'to" "Banat na banat ng palad mo kamo! "Gusto mo ihampas ko 'tong bote sayo? Mayabang ka ngayon ah," tinawanan lang ako ng loko. "Wal look at that girl" turo niya sa'kin sa babaeng nasa kabilang mesa. Maganda ito makinis ang balat, balingkinitan ang katawan at malaki rin ang hinaharap. Nakatingin din ito sa aming puwesto. "Kanina ka pa tinitignan niyan mukhang type ka" "Really? Uminom muna ako ng alak at muling tinitigan ang babaeng tinutukoy ni Jake. "Pagkakataon mo ng magamit 'yang mahiwagang kamote mo Wal! "B.I ka rin no?! "Tinutulungan na nga kita para magamit 'yan eh" inirapan ko naman si Jake at nagpatuloy na lang ako sa pag-inom ng alak. Nagising ako na sapo ko ang aking ulo hindi ko alam kung nakailang bote ako ng alak kagabi. Wala rin akong matandaan kung paano ako nakauwi. Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Napansin ko na wala na akong damit pang itaas. Tinignan ko naman ang pang-ibaba ko, ganoon na lang ang gulat ko ng makita na wala rin akong suot kahit ano. "f**k! Mahinang mura ko. Nilibot ko ng aking paningin ang kabuuan ng k'warto. Doon ko napagtanto na hindi ito ang k'warto ko. Kuwarto ito ng babae dahil puro pang-babae ang nakikita kong gamit sa loob ng k'warto. Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at nanlaki ang aking mga mata nang makilala ito. "I-ikaw?" "Yes ako nga," lumapit pa ito sa akin at umupo sa aking tabi. "Paano ako napunta rito?" "Lasing ka nga talaga," natatawang turan niya. Nilapitan mo 'ko kagabi tapos niyaya mo 'ko lumabas kaso nga lasing ka na saka iniwan ka na rin ng kasama mo. Hindi ko naman alam kung saan ka iuuwi kaya dinala na lang kita rito sa bahay ko." Napabuntong hininga na lang ako at muli siyang binalingan. "m-may ano ba? ahmm..you know," taka niya akong tinitigan at pagkuwa'y ngumiti na wari ko alam niya ang ibig kong sabihin. "kung may nangyari?" nahihiya naman akong tumango. "Actually wala, ayoko samantalahin ang pagkalasing mo. Baka kasuhan mo pa ko ng rape eh," natatawa niyang turan. "I'm sorry pati ikaw naabala ko" "It's okay, basta tuparin mo na lang 'yong sinabi mo kagabi." Ngumiti na lang ako sa kan'ya saka tumango. Bago ako umalis ay pinakain niya muna ako at hinatid sa bar dahil iniwan ko muna roon ang aking sasakyan. "Salamat ah, babawi na lang ako sa'yo" "Sure! Aantayin ko yan" ngumiti naman ako saka bumaba na ng kan'yang sasakyan. Nang nasa loob na ako ng aking sasakyan ay naalala ko naman na hindi ko pala naitanong ang pangalan niya. Hindi na naman importante 'yon magkikita pa naman siguro kami. Naglalakad na ako sa loob ng ospital nang makasalubong ko naman si Kristoff at Doctora Alcantara kaya naman napahinto ako. "Doctor Miller! Masayang bati sa akin ni Kristoff samantalang ako ay nakatitig naman sa kan'yang kasintahan. "By the way this is my girlfriend Doctora Louise Alcantara, siya 'yong kinukwento ko. "Ah hi, I'm Doctor Wallace Miller" nilahad ko naman sa kan'ya ang aking kamay at tinanggap naman niya. "D-doctora Alcantara" "Nice meeting you Doctora Alcantara" "Me too," tipid niyang sagot. "Sige Kristoff mauuna na 'ko ah marami pa kasi akong gagawin eh" "Sige Doctor Miller aalis na rin naman ako hinatid ko lang itong si Louise" tumalikod na ako kaagad at hindi na muling sinulyapan pa si Doctora Alcantara. Ngayon pa lang ay kailangan ko na siyang iwasan hindi na dapat nagkukrus ang landas namin. Mukhang kailangan kong ipadlock itong puso ko para hindi na siya makapasok. "Anong nangyari kay Doctor Miller?" Parang may kakaiba sa kan'ya." Parang wala ata siya sa mood ngayon," sabi ko sa aking sarili. "Doctor Alcantara?" Napapitlag ako ng tawagin ako ng nurse na nakadungaw sa may pintuan ng aking opisina. Hindi ko alam na malalim na pala ang iniisip ko. "Ah yes?" "Hindi po ba kayo manananghalian? Tumingin naman ako sa relo kong pambisig, pasado alas dose na pala. "Sige bababa na rin ako aayusin ko lang itong gamit ko" "Sige po Doctora" bago ako lumabas ay inayos ko muna ang aking mga nakakalat na papel sa ibabaw ng aking lamesa bago lumabas ng aking opisina. Malapit na 'ko sa canteen ng ospital ng mahagip naman ng aking mata si Doctor Miller at may kasama itong nurse. Nakaakbay pa ito dito at masayang nagtatawanan. "Tsss! Makatawa wagas ah, happy ka ha?" Nasabi ko na lang sa aking sarili sabay irap at derederetsong pumunta na sa canteen. WALLACE POV: "Bakit hindi ka pa pala nagkakagirlfriend Doctor Wallace? Ang dami-daming nagkakandarapa sayo ritong mga nurse at Doctor mamili ka lang sa kanila," natawa naman ako sa tinuran ni Nurse Yvette. Inakbayan ko naman ito saka bumulong. "Hindi ko kasi sila p'wedeng ikama," nanlaki naman ang kan'yang mga mata ng titigan ako. "Ikaw talaga Doctor Wallace ah! Tumawa naman ako ng malakas. "E kasi baka umayaw kaagad sila alam mo na baka hindi magkasya," kita ko naman sa kan'ya ang pamumula ng kan'yang pisngi. "Joke lang! Baka isipin mo napaka bastos ko naman" "Matagal na naming alam 'yan Doctor Wallace! Umikot pa ang kan'yang mga mata na ikinangiti ko. "Hindi mo pa rin ba siya makalimutan Doctor Wallace?" Napahinto naman ako sa aming paglalakad at hinarap siya. "Lagi naman siyang nandito sa puso ko, paano ko siya makakalimutan? Saka itong puso ko ready na sana kaya lang it's complicated," natawa na lang din siya sa aking sinabi. Matagal ko na rin hinanda itong puso ko magmahal ulit kaya lang habang naiisip ko si Celestine parang may kung anong pumipigil dito hanggang sa nakita ko si Louise. Mas lalo tuloy naging komplikado ang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD